Kabanata 13

3.3K 44 1
                                    

Kabanata 13: Protect

Sabay kaming bumalik sa classroom ni Vivien pagkatapos ng ilang sandali. Hawak-hawak niya ang braso ko.

Ayaw ko sanang pumasok kaso ayaw ko namang ipagpaliban ang klase.

Naabutan ko sa loob na kinakausap nila Yohan at Dino si Basty. Napatingin sa akin si Dino kaya lumingon si Basty sa amin, sa akin.

Kaagad akong umiwas ng tingin at napalunok.

"It's okay, Macy. Talk to him." Rinig kong sabi ni Vivien.

Nagkasalubong ang kilay ko at tinignan siya. Bakit naman niya naisip na gusto kong kausapin si Basty? I want Basty to leave me alone.

Umiling ako. "Ayaw ko siyang kausapin." Bulong ko.

Nasa amin pa rin ang atensyon ng mga kaklase ko pero kapag titignan ko sila ay iiwas sila kaagad ng tingin. Wala na ring bulungang nagaganap. Valerie is also nowhere to be found, pati ang mga kaibigan niyang sila Elayne at Daniella.

Umupo ako at ganoon din ang ginawa ni Vivien.

"Don't dude, not now. Pahupain mo muna." Rinig ko sa likod namin. Alam kong si Yohan iyon.

Bumuntong hinga ako.

What now? Akala nila ay kami ni Basty kahit hindi naman talaga. Paniguradong sa oras na malaman ng ate niya ito, ay baka matanggal ako sa trabaho. They misunderstood everything. Then again, mabuti naman iyon diba? Kapag naalis ako sa trabaho bilang tutor ni Basty ay mas magiging safe pa ako dahil malalayo ako sa kanya. Ayaw ko na siyang makita, I don't really know how to face him. Pero paano niyan? Doon ako nakakakuha ng pera dahil nagsara na ang bar.

Pumikit ako umiling. This is giving me a headache.

Hindi ako kinausap ni Basty sa araw na iyon. Mabuti, I don't want him to talk to me anyway. Siguro kapag walang interaskyon na magaganap sa aming dalawa, ay iisipin nilang big joke lang ni Basty ang sinabi niya. Who would believe in that, anyway? Well, all of them. Pero sana mapagtanto nilang hindi ako ganoon, they know me as the type that doesn't get into a relationship, at sino ba ako kumpara sa mga ibang sa school para magustuhan ni Basty? Sana isipin nila iyon. Para maibsan na ang takot ko sa mga mapanuring mata kapag pumapasok ako ng school.

Sa sumunod na araw ay nagulat ako dahil pumunta si Vivien sa bahay. Aniya ay sabay kaming pupuntang school. She said she wants to protect me, kung sakali man na may mag-away sa akin.

I admire Vivien for that. Nakikilala ko siya bilang patay na patay kay Basty. Ang mga babae sa school na nagugustuhan si Basty ay ang sama ng tingin sa akin, samantalang si Vivien, ay hindi. Mabait siya sa akin.

"What are your plans, Mace? Don't tell me magki-quit ka bilang piano tutor?" Tanong sa akin ni Vivien habang nasa sasakyan niya kami.

Vivien obviously doesn't want me to quit the job. Sabi niya pa ay gusto niya ako para kay Basty, dahil kung hindi rin naman mapupunta sa kanya si Basty ay sa akin na lang daw. She wants to make this possible.

Pero ayaw ko pa ring umasa. Basty is very, very unreachable. Hindi lang dahil sa estado namin sa buhay. Gwapo siya, pero ako... hindi ko alam. Kaya kung totoong gusto ako ni Basty, magiging palaisipan iyon para sa akin.

"I don't know, Viv. I want to, pero wala na kasi akong mahanap na pagkikitaan." Pag-amin ko.

"Then don't quit, hindi naman alam ng mga tao sa school na tutor ka ni Basty." Aniya.

Hindi na ako umimik.

Nang magsabado habang papuntang mansyon nila Basty ay may natanggap akong mensahe mula sa hindi kilalang numero. Sinadya kong mapaaga dahil baka ipasundo o di kaya ay si Basty ang sumundo sa akin.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now