Kabanata 15

3.1K 40 2
                                    

Kabanata 15: Love

Madaldal si Rick.

Sa buong oras ng pagkain namin ay panay ang salita niya at pagkwento sa tungkol kanyang sarili. He's into music, he likes writing songs and playing different types of instruments, especially the guitar.

"Ikaw naman, magkwento ka." Aniya nang siguro ay nawalan na ng masasabi tungkol sa sarili.

Nakaupo kami ngayon sa cafeteria at magkatapat kami. Gusto ko sanang lumipat ng pwesto dahil dito sa pwesto ko ngayon ay kitang kita ko si Basty kasama si Dino. Yohan and Vivien are nowhere to be found, siguro ay sa ibang lumugar iyon kumain. Ilang beses kong nahuhuli ang tingin ni Basty banda sa amin kaya madalas ay nawawalan ako ng konsentrasyon sa pakikinig kay Rick. Kaya nang isang beses ko na ulit nahuli ang titig niya ay hindi na ulit ako tumingin pero alam ko ay nasa akin pa rin ang tingin niya.

"Wala akong makekwento." Sabi ko.

Ni hindi ko nga alam kung paano niya ako napapayag na sumabay siya sa akin kumain ng lunch. Like I said, I am not like Vivien, I am not very outgoing, si Vivien lang ang kaibigan ko dito sa school at nakakapagtaka bakit sa akin siya nakikipagkaibigan imbes na sa ibang tao na lang. Marami siyang nakausap sa mga kaklase namin kanina at bakit hindi na lang siya sumama sa kanila.

Rick smiled. Parang na-amuse siya sa sinabi ko o ano.

"Hobbies mo." Aniya at uminom mula sa bote ng mineral water.

"I also like writing songs, I play different kinds of instruments."

Dinilaan niya ang labi niyang medyo mayroon pang tubig galing sa bote. He looked at me intently.

"Really?" Hindi ko alam kung sarkastiko iyon o parang nagulat lang talaga siya sa sinabi ko.

Tinaas ko ang kilay ko.

"Sorry, ngayon lang kasi akong nakaencounter ng babaeng parang ako. You're like the girl version of me." Nakuha pa niyang tumawa.

Hindi na ako kumibo. Tinuloy ang pagsubo ng kanin sa aking kutsara.

"Ganyan ka talaga? Ang tahimik mo." Aniya matapos ng ilang sandali.

Madaldal siya. Tahimik ako. I am not the girl version of him, then.

"Hindi kasi ako sanay na nakikipag-usap sa mga tao." Hindi ko alam bakit bigla ko itong nasabi.

Medyo natahimik siya pagkatapos kong magsalita.

"Wala ka bang kaibigan?"

Huminga ako ng malalim. Bakit napunta ang topic sa ganito?

"Si Vivien lang."

Tumango siya. Pagkatapos noon ay hindi na siya nagsalita. Parang may na trigger sa kanya na kung ano sa sinabi ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagrequest si Rick na itour ko daw siya sa buong school. Kwinento niya pa sa akin kung paano siya nawala kanina habang hinahanap ang room namin, aniya ay paikot-ikot na siya at madalas ay pinagtitinginan na siya ng mga estudyante dahil mukhang pagkatapos ng ilang sandali ay babalik ulit siya sa parehong pwesto.

Tumawa ako dahil naimagine ko siyang nawawala sa school. Malaki naman kasi talaga ang school at kung bago ka ay posible kang mawala.

"Buti nakita kita kanina, kung hindi, malamang hanggang ngayon hinahanap ko pa rin yung room ko." Tumawa siya.

"Wala bang tumutulong sa'yo noong nakita kang mukhang nawawala?" Tanong ko.

"Well, may mga grupo ng babaeng lumapit sa akin, but they are no help, they just asked for my number."

Playful Melodies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon