Chapter 1 (His eyes)

1.4K 22 0
                                    

[Kazrine Point of View]

"Love..hindi 'yan pinipili ng mata...kundi sa kung ano ang nararamdaman ng puso mo sa tuwing nandiyan na siya."

-----

Isa ako sa mga taong hilig manood ng mga romantic movies. And I'm a fan of Nicholas Spark's na novels na ginawang movies. Pero ang pinakagusto ko sa lahat ng ginawa niya ay Dear John. Sobra akong naiyak sa love story ni John at Savannah. Akala ko sila na ang magkakatuluyan pero hindi pala. Umasa akong sila ang magkakatuluyan kaya nasasaktan ako para sa kanila. I don't think malandi si savannah kasi sakripisyo din sa kanyang magpakasal sa lalaking di naman niya mahal. Well, Kung ako magiging siya, ganoon din ang gagawin ko. Hindi naman importante ang sasabihin ng iba, ang mahalaga nagawa mo ang nararapat.

Behind that, of course pangarap kong magkaroon ng lalaking magmamahal sakin ng tapat at totoo. Pero, hindi ko alam kung nasaang lupalop siya ng mundo. Hindi pa kasi siya dumadating. Hindi naman sa siya ay hinahanap ko, i was just trying to say na hindi ko pa siya natatagpuan, i mean wala pang lalaking nangangahas at subukang paibigin ako o ibigin ko siya. Ang daming lalaking nakapalibot sa paligid ko. Lalo na dito sa coffee shop. Pero kahit tingnan ko sila isa-isa wala akong magic na nararamdaman. Hindi ko naman talaga siya hinahanap, nagbabaka sakali lang ako na nandirito siya sa loob ng coffee shop. Diba nga sabi ng iba, 'yung makakatuluyan mo sa buhay ay baka nameet mo na, nakabanggaan mo na o nagtama na ang mga mata niyo, nagkadikit o kaya'y nagkatinginan. Pero in my case, parang hindi pa nangyayari sakin yung ganun. Well, kung accidentally man kayong magkatagpo diba there's a magic feeling na masasabi mo sa sarili mong 'siya na' pero ako..wala talaga eh. Hindi pa ako nakakaramdam ng nakakaibang feelings towards sa isang lalaki. 'Yun bang kahit wala yung presence niya ay inaattract niya ako.

Every day, nandito ako sa coffee shop namin na nagngangalang SARDONE CAFÉ. Sardone ang apelyido namin at obvious naman na apelyido 'yan ni papa. Nagbabasa lang ng libro. Pampalipas oras ko ang pagbabasa, kesa naman sa magmall ako o gumala somewhere, mas pipiliin ko ang pagbabasa. I'm not into sa galaan. Hindi mo ako maaasahan diyan. Okay na akong umupo sa isang tabi basta may hawak na libro.

Playing on the radio

There she goes

There she goes again

Racing through my brain

And I just can't contain

This feeling that remains

There she goes

There she goes again

Pulsing through my veins

And I just can't contain

This feeling that remains...

"Maari bang umupo sa tabi mo? Wala na kasing bakanteng upuan." A man in his black jacket with a hat on his head asked. His wearing all black and I couldn't even see his face. Nakatungo lang siya.

Umusog nalang ako patabi ng bintana. Umupo na siya sa tabi ko samantalang pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ko ng The notebook na libro. At habang nagbabasa ay hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mapatingin sa katabi ko. This man is really weird. Hindi ko alam kung pano siya naging weird. Basta, yung typical na weird guy. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at bigla siyang tumingin sakin kaya bigla kong itinabon ang libro sa mukha ko.

Hanggang sa maramdaman kong tumayo na siya. Inalis ko na ang libro sa mukha ko at sinundan ng tingin ang lalaking man in black. I'm not scared. I just figured out that he's really weird.

Limang taon na ang nakalipas noong magtayo si mommy ng coffee shop and she has 20 shops all over in NCR Region and other small restaurants.. At ang coffee shop na laging pinupuntahan ko ay malapit lang sa bahay namin. While my dad, he's the chief of police in our city.

Just A KissWhere stories live. Discover now