Chapter 2 (Stalker)

552 14 0
                                    

"I will never tell you who I am." -Jake

----

Ibinagsak ko ang aking katawan sa kamang napakalambot na talagang napakakomportableng tulugan . Sa pagkain ko ng hapunan, sa pagpalit ko ng uniform, sa paghilamos ko, sa pagtoothbrush ko, naaalala ko pa rin ang mga tingin niya. Kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon. Ipinikit ko ang aking mata at pinilit na iconcentrate ang isip ko sa pagtulog.

*Dreaming*

Pinayagan ako muli ni mama na magcommute. At isa na namang napakasayang araw para sa akin. Sumakay na ako sa jeep, yakap-yakap ang librong kasalukuyan kong binabasa.Umandar na ang sasakyan at bigla akong kinabahan nang tumigil ang jeep sa madilim na parte nang kalsada. Pagkatingin ko sa aking paligid ay wala na ang mga pasaherong kanina'y napakaliwanag ko pa silang nakikita. Saan na sila nagpunta? Hindi ko sila nakitang bumaba? Tuloy-tuloy ang pagtibok ng puso ko ng mabilis at ginagalaw ko ang aking katawan subalit hindi ko magawa.Hanggang sa biglang may nagtakip ng panyo sa aking bibig. Sumisigaw ako subalit huli na. Nawalan na ako ng malay.

Napaupo ako sa aking kama na hingal na hingal. Pinunasan ko ang aking mukha na punong-puno nang aking pawis. Napahawak ako sa aking buhok at itinungkod ang braso sa aking tuhod. Anong nangyayari sa'yo kazrine. Anong nangyayari sa'yo? Binuksan ko ang ilaw ng aking kwarto at lumabas, kumuha ako ng tubig sa kusina para naman maibsan ang takot na nararamdaman ko.

Bumalik na ako sa kwarto ko at binuksan ang bintana para pumasok ang lamig na nagmumula sa labas. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Pa eleven o'clock palang ng gabi. Tahimik ang buong village, may pangilan-ngilang kotseng dumadaan pero hindi sapat 'yun para magising ang mga tao. Umakyat ako sa bintana at umupo sa bubong. Pagkabukas na pagkabukas ng bintana ng kwarto ko ay bubong ang makikita mo kasi I requested it to my parents na gusto ko may bubong sa ibaba ng aking bintana para pwede kong pagpahingahan. Atsaka isa sa palagi kong ginagawa ay ang tingnan ang mga stars sa itaas. Dahil minsan kapag maraming stars ay lumalabas ako ng bahay, umuupo sa bench at tumitingala. And I found out na mangalay tumingala kaya para mas madaling makita ang stars sa gabi, humihiga nalang ako sa bubong. And that roof has its own name and I called it, "Magic Roof".

Magic Roof kasi may magic siya na ako lang ang nakakaramdam at nakikita. Ordinaryong tao lang ang nagtayo ng bahay naming at hindi ko ito pinagawan ng ritwal o whatever latin. Basta. Magic Roof siya kasi nadadala niya ako sa ibang mundo. I mean, kapag stress ako lalo na sa mga school projects and activities lalo na kapag exam, dito lang ako umuupo para magpahinga and then suddenly, its taking me to another world. Dinadala niya ako sa mapayapang lugar, 'yung nakakarelax ang mga naririnig mo, 'yung kinabukasan, wala kang aalalahanin kahit alam mong marami ka pang gagawin.

So, ngayon alam niyo na kung bakit hindi ako into sa galaan. Dahil kahit anong oras kaya kong mamasyal saan ko man naisin sa pamamagitan ng imagination. Yeah. I'm kind of weird girl at hindi na ako mageexpect kung weird guy ang makakatuluyan ko.

Nagising ako sa pagtulo ng tubig sa aking noo. Hindi ko alam na dito na pala ako nakatulog. Dahan-dahan akong nagpuntang bintana at baka madulas ako sa mamasa-masang bubong. Pagkababa ko ay nagdiretso na akong ligo. Mamaya pang hapon ang pasok ko kaya sa coffee shop nalang muna ako magtatahan.

Just A KissNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ