Chapter 14 (Curious)

210 7 0
                                    

"KAZ!" Tawag sa akin ni Jacob subalit kay Jake lang ako nakatingin.

"Teka. Bitawan mo ang braso ko." Sabi ko sa kanya at natigil kami sa tapat ng furniture shop. Medyo malayo na kami sa resto bar.

"Bakit ba ang hilig mo sa gulo?" Tanong niya

"Gulo ang lumalapit sa akin, hindi ako." Sagot ko at unti-unti na namang pumapatak ang ulan. Tigil na ito kanina eh.

"Umuwi kana." Sabi niya at inilagay sa ulo ko ang kanyang sumbrero.

"Paano ako uuwi kung andoon ang mga kasama ko?" Sabi ko at kinuha ko ang sumbrero sa aking ulo at ibinalik sa kanyang ulo.

"Ako nang maghahatid sa'yo." Sabi niya at muling isinuot sa akin ang kanyang sumbrero. Hinawakan niya ako sa aking wrist at humanap siya ng masasakyan namin. Sumita siya ng taxi. Tahimik lang kaming magkatabi sa backseat hanggang sa makarating na kami sa bahay.

"Ano bang problema mo? I mean, bakit lagi kang nandiyan sa tuwing lumalapit sakin ang gulo. Superhero ka ba? Bakit moko nililigtas? Kamag-anak ka ba namin? Kuya ba kita? Tito? Ano?" Sunod-sunod kong sabi at tumingin lang siya sakin. 'Yung unique na tingin na siya lang ang gumagawa sakin.

"Kidnapper ka ba? Rapist? Sindikato? Ano? Bakit hindi mo ako sinasagot?" Nangungunot-noong tanong ko habang naliligo na kaming dalawa sa ulan.

"Hindi ako superhero. Hindi ako ang kuya mo o ang tito mo. Hindi ako kidnapper o rapist. Isipin mo kung anong gusto mong isipin." Sagot niya habang matalim na nakatingin sakin. Did he thought na matatakot ako sa tingin niya kagaya nung una naming pagkikita? No, i'm not scared, not anymore.

"Hindi ko kasi maintindihan kung bakit lagi kang nandiyan sa tuwing napapahamak ako."

"Bakit hindi ka nalang magpasalamat?" Tanong niya. Ganyan din ang sinabi niya sakin noong niligtas niya ako doon sa 7 eleven. Oo nga naman, ang dami kong tanong, hindi nalang ako magpasalamat.

"Salamat." Sabi ko at tumalikod na siya sakin at nagsimula ng maglakad papalayo. Pinapanood ko lang siya sa kanyang paglalakad hanggang sa makalayo na siya sakin. Pumasok na ako sa bahay at agad na naghot bath. Habang nasa bath tub ay nakatingin lang ako sa kanyang itim na sumbrero na nasa sahig. Pagkalipas ng halos kalahating minutong pagliligo ay nagpalit na ako.

"Kazrine, si Jake nasa baba." Sabi ni mama. Jake? Baka si Jacob. Bumaba na ako at nandoon nga si Jacob sa sala, kasama niya si Alex.

"Okay ka lang ba? May ginawa bang masama sa'yo 'yung lalaki?" Nagpapanic na tanong ni Jacob.

"Walang nangyaring masama sakin. Kilala ko naman ang lalaking 'yun." Sagot ko.

"Kuya mo ba siya?" Tanong niya at umiling-iling ako.

"Hindi. Wala akong Kuya."

"Ano mo siya?"

"Kaibigan..yata? Ewan?" Hindi ko sure na sagot.

"Mabuti at wala siyang ginawang masama sa'yo." Sagot niya at ngumiti ako.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko atsaka tumingin kay Jacob at Alex.

"Chinicheck namin kung okay ka lang." Sagot ni Alex

"Natuloy din ba 'yung gig ni Lawrence?" Tanong ko at tumango sila. Mabuti naman. Nakakahiya kasi kay Lawrence at Arianne, kung hindi matutulo ako pa ang magiging dahilan.

"Kumain na muna kayo." Sabi ni Mama na nakasandal sa pader ng kusina namin. Pagpasok mo dito sa bahay, ang bungad agad ay sala namin, may isang mahabang couch at tatlong mini couch. Sa gitna ay may table at doon naman malapit sa ilalim ng hagdan nakapwesto ang tv namin, speakers, paintings at glass cabinet kung saan nakadisplay ang mga pictures naming pamilya at mga trophies and medal ko na nakuha ko when I was in highschool and elementary.

"Sige po, tita." Sagot naman ni Jacob

"Mauna na po muna ako. May gagawin pa ako sa bahay." Sabat naman ni Alex

"Magvivideo call pa sila nung gf niya." Bulong sakin ni Jacob

"Sige alex, ingat ka pauwi." Sabi ko at hinatid namin siya hanggang sa may gate ng bahay namin at pagkatapos ay nagtungo na kami sa kusina at kumain.

"Nag-aaral ka ba Jake?" Tanong ni mama kay Jake

"Opo. Graduating student na po ako sa sunod na pasukan."

"Mabuti. Itong si Kazrine malapit na ring gumraduate. Sabay kayo." Sagot ni mama at kumain na.

"Pwede po bang ligawan si Kaz?" Napatigil ako sa pagnguya ng pagkain at napatingin kay Jacob. Naghihintay siya ng sagot ni mama.

"Okay lang. Pwede naman. Actually ngayon lang si Kazrine nagpakilala ng lalaki samin." Sagot ni mama. Samin? Eh hindi pa nakikita siya ni Papa.

"Okay lang samin na magkaroon siya ng manliligaw. Pero na kay Kazrine pa rin ang desisyon kung gusto niya magpaligaw." Dagdag pa ni mama subalit hindi nalang ako umimik. Ayoko namang sabihin na ayoko pang magpaligaw, syempre mapapahiya si Jacob kay mama, kahihiyan ko pa 'yun.

Pagkatapos naming kumain ay nagtahan kami sa sala habang nanonood ng balita. Wala namang bago puro about drugs, patayan, corruption, rally and etc. Sana may mabago naman sa balita.

"Kaz..." tawag niya at napatingin naman ako.

"Alam ko namang gusto mo'y magkaibigan lang muna tayo. Sorry kung tinanong ko iyon kay mama mo."

"Hayae na. Nandoon na 'yun. Hindi naman ako nagagalit." Sagot ko at pilit na ngumiti para hindi niya maramdamang galit ako.

"Handa naman akong maghintay." Sagot ni Jacob at ngumiti pabalik sa akin.

"Hindi pa ako nagkakaboyfriend actually. Hindi pa ako nagkakafirst love. Wala pang lalaking nakakahawak sa kamay ko ng matagal. Wala pang nakakahalik at nakakayakap sakin. Gusto ko pag nagkaboyfriend ako, nasa tamang edad na ako. 'Yung kaya ko ng masaktan. 'Yung naiintindihan ko na kung bakit nasasaktan ang tao pag nagmamahal. Sa ngayon kasi, hindi pa ako handa." Sagot ko sa kanya

"Maghihintay ako hanggang sa maging handa kana." Sagot niya pero ngumiti lang ako. Gusto ko pati pag nagkaboyfriend ako, siya na 'yung first and last. :-)

-------

Just A KissDonde viven las historias. Descúbrelo ahora