Chapter 46 (Use of Love)

59 1 0
                                    

"SAAN NIYO AKO DADALHIN?!!!!" tanong ko habang pumapalag sa hawak nila. Binitawan naman nila ako pagkarating sa van.

"Sa punishment room. Itatali ka namin sa kama at papaligayahin ka namin. Napanood mo na ba ang 50 shades of grey? Ganon ang gagawin namin sa'yo." Sabi ni Arvin at nagtawanan sila.

"MGA GAGOOO!!!" sigaw ko.

"ITIGIL MO NA ANG VAN! UUWI NA AKO!"

"Minsan ka lang namin makasama." Wika ni Arvin na siyang nagdadrive at lumingon sa akin at kumindat pa. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Natatakot ako na baka kung saan nila ako dalhin. Baka rape-in nila ako katulad ng sinasabi ni Jake. Jake! Shit. Tulong! Nagpapanic na ang kalooban ko. Baka tuluyan na akong patayin ng demonyong Arvin na ito at ng mga barkada niya. Shit. Ayoko pang mamatay!

"Jepoy, ikaw ang magdrive." Sabi ni Arvin at nakipagpalitan siya ng pwesto. Katabi ko na siya ngayon. Ikinulong niya ako sa sulok ng van at inilapit niya ang adik niyang mukha na mamula mula ang mata sa akin kaya't agad akong umiwas. Nilamas niya ang boobs ko at sinampal ko siya subalit hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Pilit niya akong hinalikan sa labi ngunit nakatikom lang ako. Tumutulo na ang luha sa aking mga mata dahil sa takot. Hinalikan niya ang aking leeg. Unti-unti niyang inalis ang butones ng aking uniform.

"Wag mo itong gawin sakin. Please." Umiiyak na sabi ko.

"H-hindi pa ba sapat sa'yo ang pagkabaril mo sakin? Kung gusto mo akong patayin, patayin m-mo na ako ngayon." Dagdag ko pa habang umiiyak.

"Tama na 'yan. Nandito na tayo." Wika nung Jepoy. Hinigit ako ni Arvin palabas ng van. Ibinalik ko ang pagkakabutones sa aking uniform. Pumasok kami sa bar kung saan maraming nagsasayawan. Kita ko ang pakikipaghalikan ni Arvin sa iba't-ibang babaeng nakakasalubong niya at nang matapos na siya makipaghalikan sa mga baabeng yun ay lumapit siya sa akin at hinigit ako sa table ng bartender.

"Dalawang vodka cranberry." Sabi niya at ibinigay naman ng bartender. Ibinigay niya sa akin ang isang baso at ininom ko iyon ng sunod sunod. Grabe ang tapang. Ang mga barkada niya ay nasa dancefloor, nakikipagsayaw sa mga babae.

"Isa pa?" Tanong niya.

"Tama na." Sagot ko at tinawanan niya ako.

"Mahina." Sabi niya sabay inom sa alak.

"Malapit na pala ang birthday mo, Kazrine." Sabi niya. Hindi ka invited.

"So, what?"

"I'm gonna make you mine on that day." Sagot niya.

"Sa tingin mo papayag ako?" Sagot ko at tumayo na. Sa iisang tao lang ako mapupunta at kay Jake yun.

"At kapag naging akin kana. Doon kita gagalawin. Aaraw-arawin kita hanggang sa hindi mo na kaya." Sagot naman niya. I raised my middle finger in front of his eyes at aalis na sana ako nang mahawakan niya ako. Kinagat ko ang braso niya kaya napabitaw siya sa pagkakahawak sa akin at nagtatakbo papalabas ng bar. Takbo ako ng takbo at natagpuan ko ang sarili ko sa tulay. Maraming sasakyan ang nagdadaan at walang tawiran ng tao dito. Napahawak ako sa bakal ng tulay at napapunas sa aking luha.

"AAAAAAHHHHHHH!!!!!" sigaw ko

"ITO NA ANG SAGOT! ITO NA ANG SAGOT SA TANONG MO NA PAANO AKO PAG WALA KA?! ITO NAAAA! NAKIKITA MO BA ANG GINAGAWA KO?!! MISERABLE! HINDI KO NA ALAM KUNG SAAN AKO PUPUNTA!! JAAAAKEEE!! MAHAL NA MAHAL KITAAA!! HINDI KO KAYANG WALA KA! BUMALIK KANA SA AKIN..PLEASE?! KUNG MAY NAKAKARINIG MAN SAKIN! PAKISABI SA KANYA MAHAL NA MAHAL KO SIYAAAA!!!"

Sumabay pa ang ulan sa pagdadrama ko sa tulay. Akala ko talaga sa movies lang ito nangyayari, sa totoong buhay din pala. Tapos dadating 'yung taong mahal mo para payungan ka. Sana ganoon din ang mangyari sakin pero parang imposible. Ni hindi ko nga alam kung nasaan na siya ngayon. Tinungo ko na ang daan pauwi. Hindi ako tatalon sa tulay, kapag nakompirma ko ng patay si Jake doon ako magpapakamatay. Seryoso. Hindi halatang umiiyak ako ngayon dahil sa ulan na tumatama sa mukha ko. Jake, ano ako pag wala ka.

Just A KissWhere stories live. Discover now