Chapter 36 (Meeting Arvin Suarez)

61 3 0
                                    

Lunes ngayon, ihahatid niya sana ulit ako sa room pero pinigilan ko siya. Ngayon ko pinaplano na makipagkilala sa anak ng Mayor at alam kong pag nalaman niya iyon, magagalit siya sakin.

"Hintayin mo nalang ako dito." Sabi ko at kiniss siya sa labi at nagtungo na sa room. Inilapag ko lang ang gamit ko sa upuan ko. May one hour pa bago kami magklase at magtutungo sana ako sa Engineering building nang makita ko siyang pumasok sa cafeteria kasama ang mga barkada niya. Namukhaan ko agad siya.

Bumili ako ng juice. Ang ingay ng mga barkada niya, pati na siya parang may rambulan eh. Papalabas na sila ng cafeteria, inunahan ko sila sa paglalakad at kunwari nabunggo ko siya. Ang juice na binili ko ay natapon lahat sa damit niya. Pagkatingin ko sa kanya, galit na galit ang kanyang mukha. Magkasalubong ang kanyang makapal na kilay. Nakatingin na rin sa amin ang iba pang estudyante. Nakatingin lang din sa akin ang mga barkada niya.

"S-sorry." Sabi ko habang nagpacute. Isiningit ko sa aking tainga ang aking buhok.

"Miss, di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Tanong ni Arvin.

"Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba? Tanga ka ba? Kalimitang tanong ng mga nabangga sa nakabangga sa kanila." Sabi ko. Ang taas ng confidence ko. I feel like I was standing tall in front of the Mayor's demon son.

"Miss kilala mo ba ang kinakausap mo?" Tanong ng isang lalaki. Bale apat silang magbarkada. Hindi naman sila importante kaya hindi ko na idedescribe ang mga itsura nila. Basta, mukhang mga mayayabang at maangas. Lalo na ang anak ni Mayor.

"Hindi eh. Sorry. Sino ka?" With taas kilay na tanong ko at asar na asar siya. Halata sa mukha niya. Namumula siya sa galit.

"Kami ang F4." sagot ng barkada niya at natawa ako bigla.

"Hahahaha! Daoming Si? Hua ze Lei? Mei Zou? Xi Men? Hahahaha! Nagpapatawa ba kayo?" Wika ko sa kanila at natigil ako sa kakatawa dahil sa mga seryoso nilang mukha. F4 only exist in the movie.

"Anak siya ni Mayor Suarez." Sagot ng isa niyang barkada.

"So? Kahit pa anak siya ng Presidente ng Pilipinas, so?" Sabi ko at hahampasin na sana niya ako ng blue print niyang dala nang lumapit ako sa kanya kaya napatigil siya. Tumilhay ako at bumulong sa kanya.

"Do you ever imagine meeting the chief of police daughter?" Bulong ko sa kanya at ngumiti. Yung ngiti na mahuhulog siya.

"Anaka ka ni Choef Sardone?" Nangungunot noong tanong niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Ibinaba na niya ang blueprint na ipanghampas niya sana sa akin.

"Is meeting you a fate or tragedy?" Tanong ko. Lumapit siya sa akin.

"Fate." Bulong niya. Hinubad niya ang polo niya at ibinigay sa akin.

"Labhan mo. Binangga mo ako eh." Parang aso siyang ngumingisi. Hinawakan ko ang damit niya na parang nandidiri at inilagay ito sa basurahan.

"Maldita ka ah." Wika niya pagkalapit ko sa kanya.

"Sa'yo lang." Sagot ko at hinipo ang labi niya.

"I'm Arvin, by the way and you?"

"Kazrine." Sagot ko at makikipagshake hands sana siya pero tinabig ko lang ang kamay niya.

"Nice to meet you, Kazrine. Sila ang mga barkada ko."

"Hello." Wika ko at ngumiti.

"Hindi mo ba kami ipapakilala isa-isa?"

"Hindi. Agawin niyo pa siya sakin. Akin na'to." Sabi ni Arvin

"Who told you that I'm yours? I'm not anyone's ownership." Sagot ko at nag apiran ang mga barkada niya.

Just A KissOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz