Chapter 19 (Sunset)

106 2 0
                                    

Nakatitig lang ako sa chandelier ng sala namin. At saglit kong pinikit ang aking mata at huminga ng malalim. Ang gaan ng pakiramdam ko pag nagmemedidate ako, para akong nakalutang. Nabasag ang malalim kong iniisip dahil sa cellphone kong nagring. Kinuha ko ito sa lamesa. Si Jake ang tumatawag. Agad ko itong sinagot.

"Hey."

"Are you doing just fine before I met you? Dagdag ko

"Ha?" Natawa nalang ako kase hindi niya alam.

"Wala." Sagot ko. Ang korny ng joke ko. Hindi niya nagets. Kanta kase 'yun ng chainsmoker na closer. Ay, nakalimutan ko. Matanda na nga pala siya. Ang alam lang niyang mga kanta ay mga 90's.

"May nagawa ka?" Tanong niya

"Wala naman. Bakit?"

"Gusto mo mamasyal?"

"Saan naman?"

"Kahit saan."

"Roadtrip. Stroll. Stroll." Sagot niya

"Uhmmmm."

"Ano? 1, 2, 3..."

"Wait lang. Pinag-iisipan ko pa eh."

"4, 5, 6..."

"Sige na nga." Give up ko.

"Yes. Pupuntahan kita diyan sa bahay mo."

"Okay."

(End call)

Hindi ako tumayo upang maligo na. Nakakatamd pa eh. Gusto ko pa mahiga. Bahala siya. Napaupo nalang ako sa gulat dahil nandiyan agad siya. Parang speed of light sa bilis eh. Walang pang 5 mins nung tumawag siya. Narinig ko ang pagkatok niya sa pintuan namin. Dali-dali akong tumayo at pinagbuksan siya.

"Bakit ang bilis mo?"

"Eh mabilis eh. Ang pagod nga." Sagot niya at bumalik na ako sa couch.

"Kagising mo lang?" Tanong niya at umiling-iling ako. Humiga ulit ako sa couch. Sa mini couch naman siya umupo, sa harap ng couch na pinaghihigaan ko. Nakaharap ako sa kanya. Inilagay niya ang kanyang helmet sa center table.

"Parang wala kang balak na sumama sa akin."

"Tinatamad ako."

"Tamad ka naman talaga. Bangon na diyan at maligo na." Utos niya sa akin.

"Mamaya."

"Wala sina mama mo?" Tanong niya at tumango ako.

"Nagaseminar sila ni papa. Next week pa ang balik."

"Sinong kasama mo dito?" Tanong niya.

"Wala."

"Kaya mong mag-isa?"

"Oo. Sa tingin mo hindi ko kaya? Ina-underestimate niyo talaga ang kakayahan kong mag-isa." Sagot ko

"Malapitin ka kasi sa gulo."

"Sila nga ang lumalapit sa akin. Hindi ako." Sabi ko at nagtabon ng unan sa mukha.

"Hindi ka pa talaga tatayo diyan?"

"Mamaya."

"Bubuhatin kita at dadalhin kita sa CR." Sabi niya at inalis ang unan sa mukha ko at tumingin ako ng masama sa kanya.

"Kazrine.."

"Mamaya nga."

"Abuhatin na talaga kita." Lumapit siya sakin at akmang bubuhatin na niya talaga ako pero binato ko siya ng unan. Napaatras siya.

Just A KissWhere stories live. Discover now