Chapter 60 (The fall down)

61 6 5
                                    

Pagdating ko ay nasa emergency room si Jacob. Nakatikom ang palad ko at nangigigil ako kay Arvin Suarez. Ibinaba ko ang bag ko sa upuan.

"saan ka pupunta, Kazrine?" Tanong ni Abigail subalit hindi ko siya sinagot. Pupuntahan ko ang walanghiyang Arvin Suarez na 'yun pero bago 'yan, kailangan ko ng back up. Dapat may police na nasa likod ko para mahuli sila. Tinawagan ko si papa.

"Kaz?"

"Pa, si Jacob nasa ospital at alam mo kung sino ang gumawa? Ang sira ulong adik na si Arvin Suarez at ang barkada niya. Kailangan mo siyang arestuhin! Papunta ako ngayon kay Arvin Suarez. Hindi ko alam kung nasaan siya pero kailangan ko ng back up." Natatarantang sabi ko

"Delikado ang ginagawa mo anak." Sagot ni papa

"Wala akong pakialam! Ang gusto ko hulihin niyo ang adik na 'yun!" sabi ko at pinatay na ang tawag. Hindi ko alam ang eksaktong lugar kung nasaan sila Arvin and friends. Nagtungo ako sa school pero wala sila. Nagpunta ako sa bar pero wala din sila. At natagpuan ko sila sa harap ng tindahan na pinagtatambayan nila. Agad kong tinext si papa kung nasaan ako. Agad akong lumapit kay Arvin Suarez at sinampal siya.

"Demonyo ka talaga! Kayo! Wala talaga kayong sinasanto! Pati ang taong walang ginagawang masama sa inyo papatayin niyo!" sigaw ko sa kanila at napatayo sila.

"Pinatay niyo na nga si Jake! Kulang nalang ako mismo ang patayin niyo!"

"Siya ang nauna. Hinarang niya ang dinadaanan namin." Sabi ni Arvin at nilapit ang mayabang niyang mukha sa akin.

"Magpakasal ka nalang sakin para wala ng madamay pang ibang tao." Nang-aakit niyang sabi. Nilock niya ako sa braso niya habang nakasandal sa van. Hahawakan na naman sana niya ang boobs ko nang tapikin ko ang kamay niya at pinilipit ko ito. Napaupo siya sa sakit. 'Yan lang pala ang katapat mo. Lumapit ang iba pa niyang barkada sa akin at pinagsisipa ko ang private part nila. Lahat sila nakahiga sa kalsada dahil sa sakit. Pwee. Hindi man lang ako nahirapan sa kanila.

Dumating na ang mga police at pinag-aaresto sila.

"MABULOK KAYO SA KULUNGAAAAN!!!" sigaw ko sa kanila at ipinasok sila sa police mobil.

"Okay ka lang anak?" tanong niya at tumango lang ako.

"Tinuruan ako ni Jake ng self defense." Sagot ko at nakatanggap ako ng text mula kay Abigail.

ABIGAIL: Okay na si Jacob. May malay na siya at hinahanap ka niya.

"Babalik na ako sa ospital."

"Ihahatid na kita." Sabi ni papa.

Nang makarating ako sa ospital ay nagtungo agad ako sa room ni Jacob. Ang dami niyang sugat sa mukha at may Malaki siyang black eye. Ngumiti siya sa akin nang makita niya ako.

"Jacob." Tawag ko sa kanya at niyakap siya.

"Sorry kung nadamay ka, nang dahil sa akin nangyari 'yan sa'yo. Akala ko mawawala ka na din sakin."

"Okay lang ako, Kaz. Matibay ako katulad ni Jacob Black." Sagot niya at naalala ko si Jake noong sinabi niya 'yan sakin noong nasa kulungan siya. Haaaays. Ngumiti nalang ako.

"Nakakulong na sila. Mabubulok na sila sa kulungan." Sabi ko

"Bakit? Anong ginawa mo?" tanong niya

"Pinahuli ko sila sa police." Sagot ko

"Ang tapang ah." Wika niya at natawa ako.

"Sinong hindi tatapang e chief ang tatay niya." Singit naman ni Abigail.

Just A KissWhere stories live. Discover now