Chapter 12 (Awkward)

240 5 0
                                    

Sinamahan ko na rin si Jacob. Kawawa naman. Joke, syempre hinintay ko lang siya sa labas ng shower room, alangan namang sumama ako doon sa loob haha. Ilang minute lang ang lumipas ay lumabas na rin siya. Hindi naman siya pabebe kumilos, tama lang.

"Okay lang ba ang suot ko?" tanong niya

"Okay lang naman. Gwapo mo nga eh." Sabi ko at natawa lang siya sabay hawak sa kanyang pisngi. Anong nangyari dun?

KINAGABIHAN..

Nagbonfire kami sa dalampasigan, may mga bunot ng niyog ang nangangalat kaya't yun ang pinagkukuha ng mga lalaki para magkaroon kami ng apoy. Kinuha din nila ang mga maliliit na kahoy na nagmula sa puno ng talisay na matatagpuan sa hindi kalayuan ng resort. Meron kaming bangus at iihawin nila iyon, may tig-iisa din kaming beer at dala ni Lawreance ang kanyang gitara. Habang nag-iihaw sila ng isda ay si Lawrence ay naggigitara at sumasabay lang kami sa kinakanta niya.

Kamukha mo si Paraluman

No'ng tayo ay bata pa

At ang galing-galing mong sumayaw

Mapa-Boogie man o Chacha

Ngunit ang paborito

Ay pagsayaw mo ng El Bimbo

Nakakaindak, nakakaaliw

Nakakatindig balahibo

Sino ba naman ang hindi nakakaalam ng kantang El bimbo ng Eraserheads. Halos lahat yata ng tao sa Pilipinas, alam ang kantang 'yan. Magkatabi kami ni Jacob, sa buhangin lang kami nakaupo at ang sapin ay ang malong na ipinadala sa akin ni mama. Katabi ni Jacob ay si Lawrence na naggigitara, kasunod ay si Alex at Abigail at Mark. Nakapalibot kami sa bonfire.

Pagkagaling sa 'skwela ay didiretso na sa inyo

At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay

Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay

"Malaro tayong truth or dare." Sabi ni Abi pagkatapos naming magkantahan. Luton a ang bangus at 'yan lang ang kinakain ko kesa sa uminom ako ng beer. Hindi talaga ako umiinom e, pasensya na.

Tinungga ni Abigail ang kanyang beer at pagka-ubos ay pinaikot niya ito. At unang tumapat ito kay Lawrence.

"Truth or dare? Wag kang KJ Lawrence, babasagin ko sa ulo mo itong boteng hawak ko." Sabi ni Abigail kaya't walang nagawa si Lawrence kundi sumagot.

"Truth." Sagot ni Lawrence habang kumakamot ng ulo.

"Tell us about your sex experience with your girlfriend." Tanong ni Abi at napatingin naman ako kay Jacob at ngumiti lang siya sakin.

"Ginagawa namin 'yun sa bathroom, sala, ilalim ng kama, kotse, sa taas ng puno.." biglang sinabugan ni Abi si Lawrence ng buhangin at nagsitawanan naman kaming lahat.

Just A KissWhere stories live. Discover now