Chapter 63 (Last chapter)

107 3 1
                                    

I spend my summer of 2019 working all day at coffee shop at napagdesisyunan kong magtayo ng isa pang coffee shop malapit sa village namin. Habang si Jacob naman ay nagrireview para sa licensure exam niya. Nandito ako sa bahay, sa couch habang nagkacanvass ng mga materyales na bibilhin sa pagpatayo ng coffee shop, si Jacob ang nagdesign ng ipapatayo kong coffee shop. Kukunin ko sana ang calculator sa center table nang bigla kong nakita si Papa na parang hinihingal, nakahawak siya sa kanyang dibdib at maya-maya'y biglang nagcollapse. Agad akong lumapit sa kanya.

"Pa, anong nangyayari sa'yo? Pa?" Tawag ko sa kanya. Natataranta kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si mama.

"Ma, si papa bigla nalang nag collapse. Anong gagawin ko?" naiiyak na sabi ko sa kanya. Nanginginig ang kamay ko dahil sa kaba dahil ito ang unang beses na nakita ko si papa na bumagsak.

"ANO? SIGE. ICANCEL KO NA ANG MEETING KO. PAPUNTA NA AKO DIYAN. TAWAGAN MO O ITEXT SI JACOB." Sagot ni mama atsaka pinatay na ang tawag. Tinext ko si Jacob.

KAZRINE: Babe, si papa biglang nagcollapse. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tulungan mo ako.

Maya-maya'y dumating na si Jacob. Agad niya akong tinulungan na buhatin si papa at dinala sa kotse. Naabutan na kami ni mama at agad namin siyang dinala sa ospital.

Umiiyak na rin si mama at pilit na ginigising si papa. Pagkarating namin sa ospital ay agad siyang dinala sa emergency room. Niyakap ko si mama.

Naghintay kami sa labas ng emergency room.

"Magiging okay lang ang papa. Wag ka ng umiyak. Okay? Nandito lang ako." Wika ni Jacob atsaka pinunasan ang luha ko. Hinawakan niya ang kamay ko atsaka hinalikan. Parang bumalik ang takot ko noong si Jake ay naririnig kong nahihirapan ng huminga sa loob ng death row room. Parang bumalik ako sa pangyayaring iyon. Napatayo kami nang lumabas na ang doctor sa emergency room.

"It's a heat stroke. Nagkaroon ng komplikasyon sa nervous system dahil sa masyadong exposure sa mataas na temperature lalo na ngayon at summer. Masyadong mainit at ang common symptoms ng heat stroke ay ang pagkahimatay or worse nacomatose. Pero wag na kayong mag-alala dahil nasa maayos ng kalagayan ang pasyente. Iwasan lang ang dehydration, ang mga kape, alak, 'yung mga mainit na substance or fluids na nakakapag palala sa heat stroke." Sabi ng doctor

" Pwede na kayong pumasok, hintayin niyo nalang na magkamalay ang pasyente." Dagdag pa ng doctor at pumasok na kami sa emergency room. Niyakap namin si papa na walang malay sa kama habang may dextrose.

Inilipat na ng room si papa at doon namin siya binantayan. Umuwi muna si mama para kumuha ng mga gamit namin samantalang kami ni Jacob ang nagbabantay sa kanya. Nakaupo lang kami sa couch ni Jacob at hinihintay siyang magising. I don't to lose my father. Hindi ko kaya. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya sa amin ni Jacob na bigyan na sila ng apo kasi tumatanda na sila. Pinunasan ko ang aking luha.

"Wag ka ng umiyak, babe. Gigising din si papa." Wika niya

"Alam mo 'yun, Jacob. Biglang nagsink in sa utak ko 'yung sinabi niyang gusto na niyang magka apo. May tamang oras para dun pero ayokong hindi man lang niya masilayan ang magiging anak natin. I'm being confident na makakasama pa natin siya ng matagal pero bakit parang gusto kong sisihin ang sarili ko? Nagsisisi akong hindi natin pinagbigyan ang gusto niya." Sabi ko habang umiiyak at niyakap ako ni Jacob.

"Wala kang kasalanan sa nangyari, Kazrine. Walang may alam na mangyayari 'yan atsaka alam kong naiintindihan ka ng papa mo." Sagot niya at nakita ko ang paggalaw ng kamay ni papa. Agad akong lumapit sa kanya.

"Pa, naririnig mo ba ako?" Tanong ko at iminulat niya ang kanyang mga mata at ngumiti siya sakin.

"Okay ka lang, Pa? Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko at tumango lang siya. Inalis niya ang oxygen at may sinasabi siya. Inilapit ko ang tainga ko sa kanya.

Just A KissWhere stories live. Discover now