Chapter 41 (Runaway)

73 2 0
                                    

Mulat. Mulat. Nagising ako dahil sa sigaw na naririnig ko. Thank you God, I'm alive. Thank you for saving me. Pagkatingin ko sa aking binti ay may mga bandage ito at masakit. Uupo sana ako pero hindi ko pa kaya.

"Hindi mo inaayos ang trabaho mo!" Dinig kong sigaw ni mama.

"Protektahan mo siya pero anong ginawa mo?" Dagdag pa ni mama.

"Hinding-hindi na ito mauulit." Sabi ni mama.

"I told you, Jake will just make it worse. Nakinig ka ba sakin? He has nothing compare to that jerk." Singit naman ni papa na animo'y alam na niyang mangyayari ito sa akin.

"Ma, Pa." Tawag ko sa kanila kase pinapagalitan nila si Jake. Nakatungo lang si Jake. Tumingin siya sakin nang magsalita ako at ngumiti. Lumapit sa akin si mama at papa at niyakap ako.

"Okay ka lang ba, Kazrine? Sinong may gawa nito sa'yo?"

"Si Arvin Suarez."

"Jake, lumabas ka muna." Utos ni mama at sinunod naman niya ito.

"Wag mo ng pagalitan si Jake. Ako ang may kasalanan. Sinandya ko pong makilala si Arvin Suarez. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito. Walang kasalanan si Jake."

"Pero trabaho niyang protektahan ka." Sagot ni mama.

"Pinoprotektahan niya ako ma, sa abot nang makakaya niya. Tao lang din si Jake. May feelings, napapagod din at may kahinaan. Hindi siya si Edward Cullen na kapag may nangbaril sa amin, pipilipitin niya lang ang ulo at sisipsipin ang dugo. Hindi siya robot para hindi tablan ng pagod. Hindi siya si batman, si superman, si ironman para tunawin ang bala sa isang segundo. Tao siya, ma. Bodyguard."

At boyfriend ko..

Natahimik sila mama.

"Kailangan mong umalis, Kazrine. Sa canada ka muna magstay, sa tita mo." Wika ni papa.

"A-ano? Ayoko. Dito lang ako."

"Alam kong kursunada ka ni Arvin. Kailangan mong lumayo para sa kaligtasan mo." Sagot ni papa.

"Pagkalabas mo ng ospital, aalis kana."

"Paano ang pag-aaral ko?"

"Doon kana mag-aaral."

"Paano si Jake?"

"Anong pakialam mo kay Jake? Bodyguard mo lang siya." Wika ni mama at hindi na ako sumagot dahil baka kung saan pa humantong ang sinasabi ko. Pinunasan ko ang aking luha. Ayoko. Hindi ako aalis.

"Yung cellphone ko?" Tanong ko at lumabas si mama at tinawag si Jake. Ibinigay niya ang cellphone ko.

"Bibili lang kami ng makakain mo. BANTAYAN mo siya Jake. Pag may nangyari pang masama sa kanya, hindi na kita mapapatawad." Sabi ni mama atsaka umalis na.

Niyakap ako ni Jake.

"Masaya akong nasa maayos ka ng kalagayan. Wag ka ng umiyak." Sabi niya.

"Sabi ni papa pagkalabas ko ng ospital pupunta na akong Canada. Ayaw kitang iwan, Jake. Please itakas mo na ako."

"Kailangan mo munang magpagaling, mahal. Ayaw ko ding iwan mo ako." Sagot niya at hinalikan ako sa noo.

"Wag ka ng umiyak. Gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang." Dagdag pa niya. Pero hindi ako si Bella Swan na laging pinoprotektahan dahil may immortal na bampirang kalaban. Ako si Kazrine, anak ng mayor ang umaaligid sa akin, hindi bampira. Mortal ang kalaban namin. Pero parang immortal na din kasi ang hirap niyang patayin.

Kinabukasan..

"Ma'am may nagpapabigay po ng bulaklak sa iyo." Wika ng nurse. Roses na nasa basket. Binasa ko ang nasa card.

Just A KissWhere stories live. Discover now