Chapter 13 (Meeting Arianne)

237 8 5
                                    

Tinulungan ko nalang si Darren sa Coffee shop maghapon at kinagabihan ay umuwi na rin ako. Pagkadating ko sa bahay ay nandoon na si mama. Every night na umuuwi ako sa bahay ng safe is a blessing from God. Thank you po for protecting me. #FeelingBlessed

Humalik ako kay mama sa pisngi at sinamahan siya sa pagkain.

"Nandito kana pala, Kazrine." Sabi ni mama

"Kanina lang pong umaga kami dumating."

"Kamusta ang bakasyon mo?" Tanong niya

"Masaya naman." Sabi ko at may natutunan pa nga ako eh, ang pagiging open minded.

"Next week ay may aattend-an kami ng papa mo ng seminar. Ikaw lang mag-isa ang maiiwan dito. I-lock mo lahat ng dapat ilock dito sa bahay." Paalala ni mama. Wala kaming kasam-bahay. Kapit-bahay lang ang meron.

"Next week pa naman ma. Matagal-tagal pa." Sagot ko

"Pinapaalala ko lang sa'yo. Malapit ka pa naman sa disgrasya lalo na sa mga criminal at masasamang tao diyan. Mamaya biglang pasukin ka ng magnanakaw dito sa bahay. Maghire kaya muna ako ng makakasama mo dito?"

"Wag na ma, kaya ko ng mag-isa. "

"Maghahire na ako. 1 week kaming wala ng papa mo, matagal-tagal din 'yun."

"Sige po, kayo ang bahala." Sabi ko at kumain nalang. Nakakainis. Sa totoo lang ayaw ko talagang umasa sa kanila kasi hangga't maaari gusto kong sanayin ang sarili ko na ako lang pero wala akong magagawa, 'yun ang gusto nila eh.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako atsaka nahiga sa kama. Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap ang number ni Jake. And I was staring at his number for about five minutes and I don't even know if I will text him or call him and give my apologize for what happened kanina. I feel really sorry pero wala akong mahugot na lakas na loob para itext siya.

Tinapo ko nalang cellphone ko sa aking study table at pinilit na tumulog pero hindi ko kaya. Malapit ng maghating-gabi subalit hindi pa rin ako makatulog. Kinuha ko na ulit ang cellphone ko at tinext na si Jake. Totoo na'to.

KAZRINE: Sorry kanina. Forgive me.

At dumating ang alas-dose ng gabi ay hindi naman siya nagreply. Pumanhik nalang ako sa magic roof ko kung saan dinadala ako sa ibang mundo. Nagtungo na ako doon na may dalang kumot at unan at nahiga na. Kokonti lang ang nakikita kong stars dahil maulap ngayong gabi, sana umulan bukas.

Ipinikit ko na ang aking mga mata at nagbilang ng up to 100 upang mabilis akong makatulog at nagtagumpay naman ako. Pagkagising ko, agad kong tiningnan ang yakap-yakap kong cellphone kung nagreply na siya.

JAKE: Bakit ka nagsosorry?

JAKE: Kaz, anong nangyari?

JAKE: Kaz...:--(

Napakamot nalang ako sa aking ulo. Mali pala 'yung natext ko. Si Jacob pala ito, hindi ko pa pala napapalita 'yung pangalan niya sa contacts ko. Ugh! Ang hirap talaga pag may kakilala kang magkaparehas ang pangalan. Nireply-an ko na siya.

KAZRINE: Sorry. Wrong send pala ako.

At maya-maya'y nagreply siya. Pinalitan ko na rin ang pangalan niya.

JACOB: Ah,akala ko kung ano na. Kagigising mo lang ba?

KAZRINE: Oo, kagigising ko lang.

Reply ko at nagtungo na sa CR upang maghilamos. Ang sakit ng ulo ko dahil sa puyat yata. Daig ko pa ang may hang-over. Mga alas tres na yata ako nakatulog tapos alasais palang ng umaga, three hours palang pala ang tulog ko. Di bale nalang, matutlog nalang ako mamaya ulit. Pagkalabas ko ng CR ay kinuha ko ulit ang cellphone ko.

Just A KissNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ