Chapter 38 (Dinner at Suarez's House)

72 2 0
                                    

"Paano kayo nagkakilala ni Arvin James?" Tanong ni Mayor Suarez

"Actually, kahapon lang po kami nagkakilala. Accidentally, nabanggaan ko siya and then, he invited me for dinner." Sagot ko

"Good brother. Gusto ko yan. Mabilis para wala ng umagaw." Wika ni Alvin.

"May boyfriend na siya." Sagot naman ni Arvin at tumingin sa akin at ngumiti.

"Sino ba 'yang boyfriend mo at ipapapatay natin." Napatigil ako sa pagkain. Napatingin ako kay Arvin at tumawa siya. Ang creepy ng tawa niya. Bigla akong kinabahan.

"Joke lang. Pinapatay namin ang humaharang at umaapak sa pamilya namin. Wala namang ginagawa ang boyfriend mo sa amin kaya wala kaming gagawin sa kanya. Ang papa mo, masunurin kaya okay ka sa amin." Dagdag pa ni Alvin. Para akong nasa hapag-kainan at ang mga kasalo ko ay ahas. Natatakot akong tuklawin nila anumang oras.

"So, pano ba yan? Pupunta na kami sa bahay niyo para mamanhikan." Wika ni Catherine. Hindi ako makasagot.

"Gusto mo ba siya, Arvin?" Tanong ni Mayor.

"Yes. Dadalhin ko ba siya dito kung hindi ko siya gusto."

"Ako ng bahala sa kasal niyo." Sagot ni Mayor at natigil ako. Fuck. Hindi niyo man lang ako tatanungin kung gusto ko ang adik niyong anak? Pilit akong ngumiti sa kanila.

"I saw your picture in the living room. Military ka po pala?" Tanong ko habang nakatingin kay Alvin.

"Oo. Vacation Leave ko ngayon kaya andito ako. Lieutenant General ako ng Philippine Army."

"Ilang taon kana po sa Military?" Tanong ko

"Almost 20 years na." Sagot niya

"May nakita po ako sa dyaryo na about sa takas na Army 15 years ago. My father mentioned na iniembistigahan niya 'yun. Ano pong masasabi mo tungkol doon?" tanong ko at napatigil siya sa pagkain. Nagpunaa siya ng labi.

"Magiging sister-in-law naman na kita at close ang mga magulang mo sa pamilya namin kaya sasabihin ko na sa'yo ang sekreto namin." Wika niya. Parang biglang bumagal ang pintig ng puso ko.

"Go on." Wika ni Mayor.

"I, I was the one who killed Mayor Hernandez and his family 15 years ago. And Emille, batchmate ko, I point him that he killed them." napatiklop ang kamay ko. Gusto kong kunin ang kutsilyo na nasa harap ko at saksakin siya hanggang sa mamatay. Tama nga ang hinala ko na siya ang pumatay.

"We are the strongest family you will ever known. Papatayin namin ang kung sino mang humarang sa daan namin." Dagdag pa niya.

"Bakit si Emille ang tinuro mo?"

"Dahil inagawan niya ako ng pwesto. I deserve to be the Lieutenant General, not him na puro yabang. Hindi naman niya ako matalo." Dagdag pa niya. Natatawa pa siya habang nagkukwento. Napatayo ako bigla kaya napatingin silang lahat sa akin.

"P-punta lang akong CR."

"Okay. Arvin, ituro mo sa kanya ang CR." wika ni Catherine. Sinamahan niya ako puntang CR.

"Okay na ako dito. Babalik nalang ako." Sabi ko at iniwan naman niya ako. Sinarado ko ang pinto ng CR. Napatitig ako sa salamin habang nakatikom ang palad. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Jake.

BUNSO: Mahal.

Sa lawak ng bahay nila feeling ko nasusoffocate ako. Para akong sinakal nang mga narinig ko. Tang ina. Gusto ko silang patayin sa harap ko. He didn't know what Jake goes throughout his life because of that fucking stupid promotion in Army. Sadyang napakamakapangyarihan nga nila to the point na kaya nilang ifabricate ang lahat ng bagay. I wipe my tears. Lumabas na ako ng CR at napatigil sa may pader at pinakinggan ang usapan nila.

"Paano kung sabihin niya ang sekreto natin?" Tanong ni Catherine.

"No one will believe her kahit na ibunyag niya. Malakas tayo, don't underestimate our family's power." Sagot ni Mayor

"Pakasalan mo na siya Arvin as soon as possible." Wika ni Alvin.

"Iseset ko ang kasala niyo. Kakausapin ko ang ama niya. Itinago niya sa atin ang anak niya, kailangan niyang magbayad." Sabi ni Mayor at nahulog ang cellphone ko at nakuha ko ang atensyon nila. Pinulot ko ang cellphone ko at umakti na parang walang nangyari.

Nagkamali yata ako ng pinasok. Nanginginig ang kamay ko. Natataranta ang pagkatao ko at nababalutan ako ng takot at pag-aalala.

"Are you okay?" Catherine asked.

"You looked pale."

"Yes. I'm okay. Don't worry."

"Have you heard our conversations?"

"No."

"Ihatid mo na siya pauwi, Arvin." Wika ni Mayor. Inalalayan niya akong tumayo hanggang sa paglabas. Naupo ako sa bench sa may swimming pool at nirelax ang sarili ko. Huminga ako ng malalim.

"Anong nararamdaman mo? Sa kwarto ko muna ikaw. Kung gusto mo." Wika niya.

"Hindi. Okay lang ako. Gusto ko ng umuwi. Thank you sa dinner." Sabi ko at tumayo na at lumabas na ng gate at agad na sumakay sa kotse. Nagdrive na ako at hindi ko alam na mabikis pala ang takbo ko.

Binubusinahan ako ni Jake kaya't napatigil ako. Bumaba ako ng kotse at agad na lumapit sa kanya at niyakap siya. Naiyak nalang ako habang yakap siya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Anong nangyari mahal?" Tanong niya at umiling-iling ako. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang narinig ko? Ang nalaman ko?

"Gusto ko ng umuwi." Wika ko at umalis sa pagkakayakap niya.

"Ihahatid na kita."

"Sa bahay mo." Wika ko at sumakay na ulit ako sa kotse at nagdribe papunta sa bahay niya at wala pang five minutes ay nakarating na kami.

//////////

Just A KissOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz