Chapter 50 (Arrest)

72 1 0
                                    

This chapter and the next chapters are the hardest chapter I ever write in my life being a writer here in wattpad. I cried writing this and I hope you can feel her pain too.

-Author

KINABUKASAN ay nagtungo na nga dito sa bahay si Jake. Nasa sala kami at hinihintay na magsalita si papa. Hindi ako mapalagay ngayong araw. Ewan ko ba.

"I'm giving you the permission to run away my daughter." Sabi ni papa habang nakatingin kay Jake.

"Pa." Nasabi ko nalang nagulat ako sa sinabi niya.

"Dalhin mo siya sa lugar na hindi alam ni alam ng mga Suarez." Dagdag pa ni papa

"Pero.." sabi ko at napatingin sa akin si papa.

"Hindi ko hahayaang magsuffer ka habang buhay sa pamilyang 'yun. Mas gugustuhin ko pang makulong kesa ikaw ang magdusa. Kasalanan ko ito at ako ang magbabayad." Sagot ni papa at namumuo na ang luha sa mata ko. Hindi ko na alam ang isasagot kay papa. Gusto kong sumama kay Jake pero ayaw kong makita siyang nagdudusa ng dahil sa akin. Ang hirap magdecide. Pinunasan ko ang aking luha.

"Kunin mo na ang mga gamit mo at umalis na kayo. Sumama kana sa kanya." Dagdag pa ni papa. Lumapit ako kay mama na kasalukuyang umiiyak. Niyakap ko siya.

"Mag-iingat kayo, anak. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nating humantong sa ganito." Sabi ni mama. Nagpunta na ako sa aking kwarto at inilagay sa bag ang mga damit ko. Wala akong idea kung saan kami pupunta. Wala na akong ibang alam na pwede naming pagtaguan. Nang matapos na akong mag-impake ay nagtungo na ako sa sala. Umiiyak na yumakap sa akin si mama.

"Mag-iingat ka, Kazrine." Wika ni papa at binigyan ako ng pera. Hindi ako makapagsalita sa ginagawa sa akin nila papa ngayon. Bakit ang bigat ng loob ko. Diba ito ang gusto ko? Ang sumama kay Jake? Pero bakit ang sakit. Hinawakan ni Jake ang kamay ko at hinigit na papalabas ng bahay. Pinunasan ko ang luha ko at tila namanhid ang aking pagkatao.

Sumakay na kami sa kotse ni papa at nagdrive na si Jake. Tahimik lang kami sa biyahe.

"Saan tayo pupunta? Tanong ko

"Sa bahay ng tito mo. Sabi ng papa mo." Sagot niya at hindi na ako muling nagtanong. Wala pa sa thirty minutes kaming nagbibyahe nang may humarang na nakamotor sa aming daan. Napatigil kami at ilang sandali lang ay pinaulanan kami ng bala. Pinaunok ako ni Jake samantalang ipinagpatuloy niya ang kanyang pagdadrive. Sira na ang unahang salamin ng kotse at may tama na siya sa balikat. Umaagos na ang dugo sa kanyang braso subalit patuloy pa rin siya sa pagdrive. Binilisan niya ang pagdrive para maabot niya ang lalaking nakamotor at nang maabutan niya ay binangga-bangga niya ito hanggang sa sumadsad sa kalsada. Hindi na niya kami naabutan. Kumuha ako ng damit sa bag ko at tinali sa sugat niya.

"Okay ka lang ba Jake?"

"Daplis lang 'to. Maghotel na muna tayo." Sabi niya atsaka tumigil kami sa hotel na nakita namin.

"May available room pa po ba?" Tanong ko.

"Yes. 146. Third floor." Wika ng attendant at ibinigay ang susi sa amin. Pagkarating namin sa kwarto ay agad kong hinubad ang damit niya. Ang daming dugo na umaagos sa braso niya. Kumuha ako ng tubig, binasa ang aking damit at pinunasan ang kanyang braso. Natataranta akong naghanap ng medicine kit pero wala. Nanginginig ang kamay ko sa nerbyos.

"J-jake, bibili lang ako ng gamot." Sabi ko at agad na nagpunta sa mercury drug. Malapit lang siya sa hotel. Bumili na ako ng gamot para sa kanyang sugat at pagkalabas ko ay nabitawan ko ang aking dala dahil sa aking nakabangga. Tumambad sa akin ang galit na mukha ni Alvin Suarez. Umurong ako dahil palapit siya ng palapit sa akin.

Just A KissWhere stories live. Discover now