Chapter 21 (A day with Lee Jacob)

112 3 0
                                    

It was the second week of our vacation. It's april. Sayang lang kasi hindi kami nila mama nakapagbakasyon sa Marinduque noong nakaraang holy week kasi nga pinili ko ang sumama sa blue sea, kana Jacob. Sobrang init at tirik na tirik ang araw. I wonder why may mga customer pa kami kahit mainit na, coffee is life talaga. Anyways, hindi lang naman coffee ang siniserve namin sa cafè namin. May mga dessert din, pasta and cake.

I met Jake and Jacob almost the end of school year. Parang sinabuyan ako ng magic dust ng fairy god mother ko at binigyan ako ng dalawang Jake. I've been waiting for almost 19 years of my existence to have my 'the one' and I don't know who's Jake will get my heart but as days passed by, I think, I'm getting to know what I want.

Tanghali na nang dumating si Jake sa coffee shop. Umupo ako sa tapat niya.

"Kumain kana?" Tanong ko at tumango-tango naman siya.

"Sa bahay ka ulit matutulog, kuya?" Tanong ko at natawa naman siya.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko

"Parang kailan lang, ang tahimik mo pag kinakausap kita. Minsan nga wala pang response tapos ngayon ikaw na ang nagtatanong kung sa bahay mo ako matutulog?" Sagot niya habang iniipitan ang mahawk niyang buhok.

"Nagtatanong lang naman eh. Kung ayaw mo, edi wag."

"Edi wag, pero kapag aalis ako hahawakan mo ang kamay ko." Sagot niya at napatabon nalang ako ng aking kamay sa mukha ko.

"Wag mo akong iiwan." Paggagaya niya sa sinabi ko kagabi. Nang-aasa siya kaya tiningnan ko lang siya ng masama.

"Hindi kita sasanayin na laging nasa tabi mo ako." Dagdag pa niya.

"Bakit?"

"Spoiled ka eh. Lahat ng gusto mo, nakukuha mo."

"Hindi ah." Sagot ko.

"Pati ako nakuha mo na."

"Ano?"

"Wala."

"Wala e may sinasabi ka." Intriga ko sa kanya.

"Kailan ka magkakagusto sa akin?" Tanong niya.

"Bakit mo naman natanong?"

"Excited na ako." Sagot niya at natawa ako. Tawa na may kaba. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

"Feeling mo naman magkakagusto ako sa'yo, KUYA." natatawa kong sagot.

"Bakit sabi mo kagabi wag mo akong iwan?" Wika niya.

"Sinabi ko lang 'yin kase natatakot ako and it doesn't necessary mean na gusto na kita." Pagpapaliwanag ko.

"Assumero ka din eh." Dagdag ko at natahimik lang siya.

"Sige ay. Papasok na ako." Wika niya atsaka tumayo na at lumabas na. Ganun. Pumunta lang siya dito para magtambay at sabihin 'yun sakin. Waaah. Ibang klase.

Nagserve nalang ako sa customer ng mga order nila maghapon. Babalik din naman 'yun dito. Marami-rami din ang customer ngayon. Nakakapagod. Nagpahinga muna ako saglit at sa pagpapahinga ko ay tumawag si mama.

"Kamusta ka kagabi?" Tanong ni mama.

"Okay lang."

"Darating na mamaya ang makakasama mo sa bahay. Si Aling Belen. Siya 'yung dating katulong ng kapit-bahay natin. Hangga't wala pa kami ay siya muna ang makakasama mo. Si Jacob ba doon din sa atin natulog kagabi?" Tanong ni mama.

"Hindi. Hindi ko siya pinatulog sa bahay. Kaya ko naman eh."

"Kahit na Kazrine. Meron ka sanang kasama kagabi."

Just A KissWhere stories live. Discover now