Chapter 30 (Runaway Soldiers)

86 1 0
                                    

Tumigil kami sa tapat ng isang abandunadong bodega. Nabubulok na ang gate na kulay pula at nakakatakot siya na lugar.

"Anong gagawin natin diyan?" Tanong ko.

"Makikita mo." Sagot niya at hinawakan ang kamay ko. Pumasok kami at tumambad sa akin ang grupo ng mga tao. Nag-iinuman sila at naninigarilyo. Natigil sila sa pagkukwentuhan at natuon ang pansin nila sa amin. Yung tingin nila, ganoon sa tingin sa akin ni Jake noong una naming pagkikita. Tumigil kami sa harap ng matanda na sa tingin ko ay 60 years old na.

"Siya ang leader namin. At tinatawag namin siyang lolo. Magbless ka sa kanya." Wika ni Jake at nagbless naman ako. Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo.

"Ah, h-hello po. M-magandang gabi? K-kazrine po." Wika ko at napilitang ngumiti.

"Ikaw ang girlfriend ni Emille?" Tanong ng matanda at napakunot ang noo ko. Tumingin ako kay Jacob at tumatango-tango siya kaya tumango na rin ako.

"Alam mo bang nasa panganib ang buhay niya nang dahil sa'yo?" Wika ni lolo at umiling-iling ako at tumingin kay Jake.

"Ano pong ibig mong sabihin?"

"Dahil ang trabaho niya ay bodyguard mo at chief ng pulisya ang ama mo." Sagot niya. I don't get it. Anong kinalaman ng pagiging police ni papa sa kaligtasan niya? Nagtatanong na tumingin ako kay Jake pero nakatingin lang siya sa matanda.

"Emille, siguraduhin mo lang na walang madadamay sa grupo dahil sa lintik mong pagmamahal sa babaeng 'yan. Siguraduhin mo lang." Wika ng isang lalaki sa grupo ng nag-iinuman. Tumingin lang sa kanila si Jake at tumingin na muli kay lolo.

"Si Emille na ang magsasabi sa'yo tungkol sa bagay na yan." Sagotniya. Lumakad na siya at sumunod naman kami.

"Ang pangalan ng grupo namin ay TAKAS NA MGA SUNDALO at ako ang pinuno nila. Ako ang namamahala sa kanila at kabilang na dito si Emille. Tinatawag nila akong lolo kaya lolo na rin ang itawag mo sa akin." Wika ni lolo.

"Bakit po takas na mga sundalo?"

"Ang mga sundalong ito ay napag-utusang pumatay ng mga makakapangyarihan sa gobyerno, hinahunting ng militar, napagbibintangang nagdodroga, mga napaalis sa hukbong sandatahan sa hindi makahustisyang paraan, mga wanted dahil sa kasalan na nagawa nila, guilty man o non-guilty at ako ang sumasalo sa kanila." Paliwanag ni lolo.

"Ikaw ang babaeng kauna-unahang nakaalam ng grupo namin. Si Emille ay para ko na siyang anak kaya't nang malaman kong may girlfriend siya, ipinatawag ko agad siya. Tutol ako sa pagmamahalan niyo dahil sa ama mong police pero wala akong magawa. Ngayon lang siya umibig. Ayokong mawala siya sa mundo nang hindi man lang nakakaranas ng pagmamahal ng isang babae. Baliw na baliw 'yan sa'yo. Kapag umuuwi siya, ikaw ng ikaw ang kinukwento niya sakin." Wika ni lolo at napangiti naman ako.

"Kinikilig ka naman." Dinig kong wika ni Jake at siniko ko lang siya.

"Lolo, ibig sabihin lahat ng nandito na takas na sundalo ay may kasalanan?" Tanong ko.

"Oo. Wala namang sundalong tatakas kung walang kasalanan diba?"

"Kabilang na si Jake?" Tanong ko sabay tingin kay Jake.

"Hindi. Ang iba sa amin ay napagbibintangan lang sa kasalanang hindi nila ginawa katulad ni Emille. Naniniwala akong wala siyang kasalanan. Napakabait ng batang 'to. Hindi ko alam kung bakit napakalupit ng tadhana sa kanya." Wika ni lolo.

"Bakit po Emille ang tawag mo kay Jake?"

"Ang totoo niyang pangalan ay Gio Emille. Ginagamit niya lang ang Jake kapag nasa labas siya at nakikisalamuha siya ng tao para hindi siya makilala ng mga awtoridad na naghahanap sa kanya." Sagot ni lolo at natahimik na ako. Tumingin ako kay Jake.

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon