Chapter 7 (Saviour)

272 8 0
                                    


Sa isang puno, sa dami ng nalalaglag na dahon kapag humahangin ay may kanya-kanyang sumasalo. Ang iba, tama na para sa kanila at ang iba nama'y kailangang hintayin pang muli ang sunod na paghangin at subukang sumalo muli para malamang tama na para sa kanya iyon at may iba namang, nasasayang lang, tuloy-tuloy na bumabagsak sa kalsada at nasasaktan kapag inaapakan.

At sana 'yung sa akin ay isang saluhan lang dahil gusto ko, kapag ako'y iibig o magmamahal, isang beses lang dahil ayaw ko ng maghintay sa susunod pa at ayaw ko na ring bumagsak pa at masaktan.

Ibinigay na ni Darren ang susi ng coffee shop sa akin. Naabutan na ako ng pagsarado ng coffee shop namin at naubos ang oras ko buong maghapon sa pag-upo lang doon.

"Sure kang hindi ka magpapahatid sa amin ni Sam?" Tanong ni Darren habang tinutungo naming ang daan patungo sa highway. Umiling-iling ako.

"May dadaanan pa ako atsaka isave niyo na ang time sa paghatid sa akin para sa inyong dalawa. Hindi na rin naman niyo trabahong ihatid ako."

"Kusang loob naman ang paghahatid namin." Sagot naman ni Sam

"Kahit na. Umuwi na kayo. Kaya kong umuwi nang mag-isa."

Wala naman ng nagawa ang dalawa. Nagkahiwalay na kami nang makahanap na sila ng taxi. Malapit lang ang coffee shop sa village namin at kaya ko naman iyong lakarin subalit katulad ng sinambit ko kanina, may pupuntahan pa ako.

And I'm taking this shit road just wanting to see him. At baliw na yata akong tahakin ang mapanganib na daan para lang makuha ang address niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para gawin ito. But there's a side in me na malinaw. Kaya ko tinahak ang mapanganib na daan na ito ay dahil alam kong lalabas siya para iligtas ako, at makikita ko na siya ulit.

Sa bawat pagtapak ng sapatos ko ay aking pinakikiramdaman. Mahigpit akong nakahawak sa tali ng aking shoulder bag at pati anino ko'y natatakot sa kung anong mangyari sa akin. May makakasalubong akong grupo ng mga lalaki at kitang-kita ko ang usok na ibinuga nila mula sa paghithit ng sigarilyo dahil sa liwanag ng dilaw na ilaw. 20 steps nalang ang natitira, makakasalubong ko na sila. Hanggang sa maubos na at dalawang hakbang nalang ang natitira.

Napaubo ako sa usok na ibinuga sa aking mukha nung lalaking, na nakasalubong ko din noong isang gabi sa 7 eleven. At ang mga kasama niya'y namumukhaan ko din. Kanina pa nakabukas ang bag ko at kanina ko pa rin hawak ang salt spray na ibinigay ni Papa. Subukan mo lang na hawakan ako..

Ngumiti siya sa akin. Ngiti ng taong alam mong may masamang balak sa'yo.

"Madalas yata tayong nagkakasalubong miss." Sabi pa nung lalaking maraming hikaw sa mukha.

"Tayo yata ang nakatadhana para sa isa't-isa." Mayabang niyang sabi sabay nagtawanan sila.

Inilabas niya ang isa niyang kamay mula sa pagkakatago nito sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Ano, tara na sa hotel?"

Hahawakan na nga niya sana ang kamay ko pero inispray-an ko siya sa mata. Napalayo siya sa akin sa sakit ng kanyang mata at puro mura ang lumalabas sa kanyang bibig.

"Hulihin niyo ang babaeng 'yan." Utos niya sa kanyang mga kasamahan. Agad nilang nakuha sa akin ang spray at itinapon. Hinawakan nila ang magkabila kong braso at hindi ako makapalag. Hinihintay ko siyang dumating subalit malabo ang aking pakiramdam na maililigtas niya ako.

"Bitawan niyo ako!" Buong pwersa kong isinigaw sa kanila subalit masyado silang malalakas para makawala ako.

Jake..

And then the next thing happen, may dumating na grupo ng mga pulis at pinaghuhuli ang mga lalaking nakahawak sa akin. Pati ang inispray-an kong lalaki ay nahuli din. Isinakay kaming lahat ng mga pulis sa kanilang mobil at dinala sa police station.

Just A KissWhere stories live. Discover now