Chapter 28 (Her bodyguard)

81 2 2
                                    

"This is one of the best day of my life." Wika ko sa sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si kuya.

"Asan kana?" Tanong ko.

"Nandito pa." Tumayo ako at binuksan ang bintana. Andoon pa nga siya.

"Backyard, kuya."

"Ano bunso?"

"Let's meet in the backyard."

"Copy." Sagot niya at pinatay na. Bumaba ako ng kwarto at nagtungo sa likod ng bahay. Umakyat siya sa bakod. Nang makababa siya ay agad ko siyang hinalikan na parang uhaw na uhaw sa halik niya. Sumandal ako sa pader at yumakap sa mainit at matipuno niyang katawan.

"May bukas pa, bunso." Wika niya nang humiwalay siya ng halik sa akin at ngumiti ako. Inilapat ko ang noo ko sa noo niya at pumikit.

"I feel like I was taking an ecstacy everytime I'm kissing you." Wika ko at kiniss siya saglit.

"Magkita agad tayo bukas, kuya."

"Oo, bunso." Humiwalay na siya sa akin. At aakyat na sana siya sa bakod.

"I love you, kuya." Napaharap siya sa akin. Lumapit siya at niyakap ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko.

"I love you, bunso." Sagot niya. Hinalikan niya ako sa buong mukha ko atsaka umakyat na sa bakod. Pumasok na ako sa loob ng bahay at nagtungo sa kwarto. Nakita ko sa kama ko ang sulat ni Jacob. Nakalimutan ko na. Binuksan ko ito.

Kazrine,

Sorry kaz. Sana mapatawad mo ako dahil sa hindi pagsasabi ng totoo sa'yo. Sorry but believe me, ikaw ang mahal ko. Ikaw ang gusto ko. I'm not perfect, everyone make mistakes. Natukso lang ako, kaz. Patawarin mo na sana ako. I will do anything for you to forgive me. I will do anything to get you back. I love you.

Jacob ❤️

Pinunit ko ang sulat niya at tinapon sa basurahan. Sorry Jacob. My heart is taken. I can only forgive you but you can't have me back. Nahiga na ako at tinawagan si kuya.

"Kuya, nasaan kana?" Tanong ko.

"Nandito na sa bahay."

"May bodyguard na ako bukas." Wika ko.

"Baka hindi na natin magawa, 'yung ginagawa natin. Dapat sinulit na natin kanina." Dagdag ko pa at natawa lang siya.

"Ano kuya?"

"Handa kang gawin ang lahat para sa akin? Kahit na magalit ang magulang mo?" Tanong niya.

"Ganun naman diba? Kapag nagmamahal ka, maliligaw ka, you suddenly don't know where you going if you're inlove. Tapos kahit magalit ang magulang, go pa rin kasi mahal mo nga." Sagot ko at tumagilid ng higa.

"Handa kang gawin 'yun para sakin?" Tanong niya.

"Yes. Gagawin ko yun dahil mahal kita." Sagot ko at ngumiti.

"Naaalala mo pa ba yung sinabi ko sa'yo dati na gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako." Wika niya

"Oo kuya."

"Nangyari na." Sagot niya at ngumiti ako.

"Sabi ko dati, never in your wildest dream na magugustuhan kita but look at me now, parang ayoko ng humiwalay sayo." Sagot ko. Natutunan ko na hindi dapat agad magsalita ng hindi tapos dahil sa huli, ikaw lang din ang kakain ng mga salitang sinabi mo.

Nakangiti akong gumising kinaumagahan. Tiningnan ko ang orasan at alas otso na ng umaga. Nahiga muna ulit ako saglit bago bumangon nang may kumatok sa kwarto.

Just A KissWhere stories live. Discover now