Chapter 20 (A night with Jake)

91 1 0
                                    

Pagkatapos niyang kumain ay sumakay na muli kami sa kanyang motor. Tiningnan ko ang orasan ko at past seven o'clock na. Mapayapa naman niya akong naihatid sa bahay.

"Thanks sa ride. Ingat ka pauwi, kuya." Wika ko pagkababa ko ng motor. Nasa tapat kami ng gate.

"Kaya mo ba talagang tumulog mag-isa diyan?" Tanong niya.

"Of course, I can. Hindi ba halatang kaya ko?" Tanong ko sa kanya at napatawa naman siya.

"Pwede ka namang matulog sa bahay." Offer niya sa akin.

"Hindi ako makatulog dun. Ang iingay ng mga aso." Sagot ko.

"Diyan nalang ako matutulog para mabantayan kita." Sagot niya.

"Kung hindi kita superhero, bodyguard ba kita?" Tanong ko at natawa naman siya.

"Bodyguard na walang sweldo." Sagot niya.

"Sa sala ka matutulog, Kuya."

"Yes, bunso." Sagot niya. Binuksan ko na ang gate at pinasok niya sa garahe ang motor niya. Sumunod na siya sa akin paloob ng bahay.

Umakyat ako sa aking kwarto at kumuha ng makukumot niya. Bumaba na ako at iniabot ko sa kanya ito.

"Okay ka lang diyan, Kuya?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Sige. Kung gusto mong manood ng tv, buksan mo nalang at kung gusto mo namang patay ang ilaw, patayin mo nalang. Matutulog na ako. Goodnight." Sabi ko.

"Goodnight." Sagot niya at nahiga na siya. Nagtungo na ako sa aking kwarto. Naglinis at nagpalit ng pantulog at nahiga na. Pinatay ko na ang ilaw. Kinuha ko ang cellphone ko. Nagtext si Jacob at mama.

JACOB: Text me, okay? Take care.

MAMA: Okay lang ba kayo ni Jacob diyan? 'Yung mga pinto wag mo kalimutang ilock.

Hindi ko nalang sila nireplyan. Nandiyan naman si Jake. I now he can protect me. Natulog na ako.

Nagising ako in the middle of the night. Nauuhaw ako. I was about to turn on the light when someone covered my mouth. I knew this scent.

"Wag kang maingay. May mga taong nakapasok." Bulong niya sa akin. Ang tahimik. Pinagpapawisan ako at ang bilid ng tibok ng puso ko. Paano nangyaring may nakapasok e nakalock lahat ng pintuan?

"Dito ka lang sa kwarto mo. Ilock mo 'yan." Wika niya at inalis na niya ang kanyang kamay sa bibig ko. Aalis na sana siya nang hawakan ko siya sa braso.

"Wag mo akong iwan." Nanginginig na sabi ko.

"Humawak ka lang sakin." Sagot niya. Nangangapa kami sa dilim. Pero meron naman kaming nakikitang liwanag na nagmumula sa labas. Lumabas kami ng kwarto ko. Nasa likod niya lang ako habang nakayapos sa bewang niya. Nahihirapan na nga siyang lumakad eh. Kinuha niya ang flower vase sa gilid ng hagdanan. Lumapit kami sa kwarto ni mama. May naririnig kaming kalampag. Shit. Lalo akong kinabahan. Tumigil kami sa may pintuan at hinintay na lumabas ang magnanakaw. Buti naramdaman niyang may tao e sound proof pa naman itong bahay unless bukas ang mga bintana, dinig mo ang mga tunog mula sa labas.

"Diyan ka lang sa likod ko. Wag masyadong mahigpit ang hawak kase hindi ako makalakad ng maayos, Kazrine. Wag kang matakot. Nandito ang superhero at bodyguard ng buhay mo." Sabi niya. Hindi ko ba alam kung kikiligin ako sa sinabi niya o lalong matatakot. And suddenly, narinig ko nalang ang pagbasag ng base.

"Buksan mo na ang ilaw." Utos niya at agad ko namang binuksan. Hawak-hawak niya ang kamay ng magnanakaw habang nakadapa. Inalis niya ang bonnet nito.

"Sorry po. Sorry po. Patawad." Wika ng magnanakaw.

"Kailangan ko po ng pera. May sakit ang anak ko. Kailangan ko po siyang maipagamot." Dagdag pa ng magnanakaw.

Just A KissWhere stories live. Discover now