Chapter 5 (Jacob)

308 9 0
                                    

"Ito ang address at cellphone number ko. Pwede mo akong tawagan o itext kapag wala kang ginagawa." Sabi niya habang sinusulat sa kamay ko ang address niya at number. Nakatingin lang ako sa sinusulat niya.

"Sana wag kang mag-isip na may gagawin akong masama sa'yo."

Sana nga wala dahil hindi ako magdadalawang isip na isalt spray ka. Masakit 'yun.

Ngumiti lang ako sa kanya at medyo nahihiya pa siyang tumingin sakin. Hindi ko naman hinihingi address at number niya, binigay nalang niya bigla.

"Ipagpaumanhin mo. Ang kapangahasan kong maging kaibigan ka." Wika niya at ang kanyang mata na natatabunan ng kanyang sumbrero ay nagsusumamong tanggapin ko. Naiilang pa ako na makausap siya kaya siguro nag-aalinlangan pa akong kausapin siya.

Bigla siyang tumayo at lumabas ng coffee shop. Sinundan ko siya ng tingin sa silag na salamin ng coffee shop hanggang makalayo na siya. Ang dami niyang sinabi sakin pero wala man lang akong naisagot. Tiningnan ko ang isinulat niya sa aking palad. Hindi ko alam ang lugar na ito at hindi ko alam kung saan.

Bumalik na ako sa aking upuan na sumalubong naman sa akin si Darren.

"Bakit ka nakikipag-usap sa kanya? Masama siyang tao."

"Paano mo naman nasabing masama siya?" Sagot ko na naikasalubong ng aking kilay.

"Dahil sa suot niya. Laging nakajacket tas nakasumbrero. Parang may tinataguan."

"Grabe ka naman, Darren. Sa suot na ba hinahatulan ang tao ngayon kung masama siya o mabuti? Gusto lang naman niyang makipagkaibigan sakin."

"Nag-aalala lang ako sa'yo. Baka kung ano gawin niya sa'yo."

"Kung may gagawin siyang masama sakin, sana nung una palang na nakita niya ako ginawa na niya kung ano mang balak niya sakin. Dalawang beses na niya akong niligtas sa tunay na masasamang tao. O? Paano mo nasabing masama siya kung iniligtas niya ako?" sagot ko kay Darren. 'Yan ang mahirap sa mga tao ngayon eh, agad-agad na hinuhusgahan ang isang tao dahil lang sa nakakaiba ang suot o ano pa mang sa tingin nila ay mali. Walang mali sa taong hinuhusgahan nila, na sa sarili nila ang mali.

Kinuha ko na ang aking bag at napagpasyahang umuwi nalang sa bahay. Habang tinutungo ang napakainit na daan papunta sa bahay naming, natatanaw ko mula sa kabilang kalsada ang dalawa kong kaklase na si Mendy at Lira na kumakaway sa akin. Hinintay kong magred light atsaka tumawid papunta sa kanila.

"O?Anong meron?" Nangingiting tanong sa kanila

"Magpapaparty ako mamaya. Punta ka hah?" sabi ni Mendy na halatang excited.

"Wag mo na akong asahan diyan. Hindi ako mahilig diyan at kung maging mahilig man ako diyan, sure akong hindi ako papayagan ni mama at papa." Kontra ko kaagad sa sinabi niya.

"Minsan lang naman tayo magsaya atsaka wala naman na tayong pasok kaya okay lang ito. Magkavillage lang naman pati tayo, sa kabilang street lang naman kami. Kaya pumunta kana." Sagot ni Mendy. Napakamot ako sa aking ulo. Party goer talaga ang dalawang ito.

"Itatry ko." Sagot ko

"Hintayin ka namin dun." Sabi naman ni Lira at tumango lang ako.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong nalaigo para naman maging fresh ang pakiramdam ko. At pagkatapos ay pinatuyo ko na ang aking buhok. And then suddenly narealize kong may sulat nga pala sa kamay ko. At buradong-burado ang lahat. Ni isang letter at number ay wala man lang na akong nakikita. Nakalimutan kong ilipat sa papel, pano 'yan hindi ko na alam kung saan siya nakatira. Hayae, tatanungin ko nalang sa kanya bukas.

Nagising ako sa agingit ng nagbubukas na pinto. Si mama lang pala.

"Bakit ma?" Tanong ko habang hinihilot ang sintido kong medyo masakit. Tiningnan ko ang orasan. Ala-syete na pala ng gabi, hindi ko alam na nakatulog pala ako.

Just A KissWhere stories live. Discover now