Chapter 33 (Fck you)

68 1 0
                                    

Napatingin ako sa tinitingnan niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil tinututukan ng baril ng lalaki ang mga customer. Napatingin ako kay Jale. Kinuha niya ang tinidor at itinago sa likod niya. May lumapit sa aming lalaki, bale limang masasamang tao ang nanunutok ng mga baril ngauon. Kinuha nila ang mga pera sa cashier at kinain nila ang mga pagkain ng mga customer. Nakataas ang kamay namin at nanginginig ako sa nerbyos. Nakatingin lang ako kay Jake.

"Ang ganda mo, miss. Jackpot ka sa amin." Wika ng lalaki habang inaamoy ang buhok ko. Napapikit nalang ako sa takot.

"Layuan mo siya." Naglalapat ang ngipin ni Jake sa galit. Tinutukan ng lalaki nang baril si Jake. Nang maramdaman ko ang kamay niya sa legs ko ay bigla kong nasampal ang pisngi ng lalaki. Gaganti na sana siya nang pigilan ni Jake ang kamay niya at naagaw niya agad ang baril nito. Tinusok niya ng tinidor ang kamay nito at napasigaw siya sa sakit. Sinipa niya ang lalaki papalayo sa akin. Tumago ako sa lamesa samantalang nakipagbarilan siya sa mga magnanakaw. Wala akong ibang naririnig kundi sigawan ng mga tao at sunod-sunod na putok ng baril at pagbasag ng kagamitan. Nang tumigil na ang gulo ay sumilip na ako. Tumba lahat ng mga magnanakaw. Lumapit ako sa kanya. Tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko at hinigit palabas ng restaurant. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Darating na ang mga pulis. Kailangan na nating umalis." Wika niya.

"Sino 'yung mga 'yun?" Tanong ko

"Kalaban. Hindi 'yan mga takas na sundalo. Hindi ko 'yan kagrupo. Sadyang mga kriminal ang mga 'yan. Mga adik." Sagot niya. Sumakay na kami sa motor niya at pinaharurut na niya ito pauwi nang kanyang bahay. Pagdating namin ay tahimik lang siya. Nakakatakot ang katahimikan niya.

"Nasaktan ka ba?" Tanong ko at umiling-iling siya. Nakapikit ang mga mata niya. Lumapit ako sa kinauupuan niya at hinilot ko ang sintido niya. Maya-maya ay niyakap niya ako at pinaupo sa lap niya. Isinandal ko ang ulo ko sa ulo niya.

"Sorry mahal." Bulong niya.

"Bakit ka nagsosorry?" Tanong ko.

"Dahil nahipuan ka niya kanina." Wika niya.

"Okay lang. Wala nang nawala sa akin mahal." Sagot ko at kiniss siya.

"Thank you dahil lagi kang nandiyan para iligtas ako. Kung wala ka, malamang matagal na akong patay." Dagdag ko at ipinikit ang aking mata. Thank you Universe dahil walang nangyaring masama sa amin parehas.

"May balat ka yata sa pwet. Lagi kang sinusundan ng mga masasamang tao." Wika niya at natawa siya.

"Sinusundan nila ako kase alam nilang may prinsipe akong magliligtas sa akin." Sagot ko.

"Hindi ako prinsipe. Wala akong kaharian. Wala akong yaman. Wala akong kawal. Wala akong maipagmamalaki. Ang kaya ko lang ibigay sa'yo ay pagmamahal." Sagot niya at kiniss ako saglit.

"Being a prince doesn't have to have a crown, castle or army. The real definition of a prince is respect, courage, gentleness and kindness. And you possess all of that mahal kaya ikaw ang prinsipe ko. I love you mahal." Sagot ko at kiniss din siya saglit.

"I love you too mahal." Sagot niya.

After the battlefield between the criminals, now we're in peace in each other's arm.

Kinabukasan ay dumating na sila mama. Kumakain kami ngayon ng almusal samantalang si Jake ay nasa tabi ko, nakatayo. Andiyan si mama kaya kailangan naming magbehave. Si papa ay nasa police station na.

"Jake, upo ka muna at kumain ka na rin ng almusal." Wika ni mama at umupo si Jake sa tabi ko. Binigyan ko siya ng kanin at ulam na scrambled egg at tocino.

Just A KissDonde viven las historias. Descúbrelo ahora