Chapter 3 (Talking to him)

400 11 0
                                    

I was hoping na makikita ko siya kinabukasan, makakasabay ko ulit siya sa jeep subalit hindi ko na siya nakita. Siyam na araw na ang nakakalipas magmula nang kokomprontahin ko sana siya kung bakit ganun siya makatingin sakin. At sa mga araw din na nakalipas ay hindi na siya masyadong pumapasok sa isip ko but I'm still wondering bakit ganun siya makatingin sakin. And still wondering kung bakit bigla siyang nawala.

Nasa coffee shop ulit ako. Ano pa bang aasahan niyo sakin e eto na ang tambayan ko. Kapag minsan pag wala kaming ginagawa ng mga kaklase ko e iniinvite ko sila para dito nalang magtahan at para na rin may kausap ako, though hilig ko talaga ang mapag-isa. And now, ang kasalukuyan kong ginagawa ay ang magbasa ng mga notes ko. Final exam na namin mamaya at umaasa akong marami akong isasagot sa exam. Pag nageexam na kasi na memental block ako, ang dami-dami kong sinaulo pero kapag exam na, nakalimutan ko na ang isasagot. Kaya heto ako ngayon, focus, focus sa binabasa.

Naibaba ko ang aking notebook nang maagaw nang lalaking paparating ang atensyon ko. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa mamalayan kong nasa harap ko na pala siya. Nakatingin pa rin ako sa kanya at hinintay siyang magsalita.

"Kung gusto mo akong makausap, nandito na ako." Kalmado niya lang na sabi habang nakatitig sakin

So eto na kazrine, tanungin mo na siya.

"I just wanted to ask..why are you looking me like that? I mean, nilulunod mo ako sa tingin mo. Alam mo 'yun?"

"Ipagpaumanhin mo ang pag-iwas ko sa iyo noong nakaraang linggo. Pasensya na sa pagiging bastos ko." Sagot niya atsaka diretsong tumingin sa mata ko pero iniwas ko ang aking tingin.

"Okay lang 'yun pero..bakit nga ganun ang tingin mo sakin?" Tanong ko ulit at napapansin ko si Darren na tingin ng tingin sa may pwesto namin. Magkaharapan kami nung lalaki. Nakajacket at sumbrero pa rin siya at tama nga ang sinabi ni Darren.

Hindi agad siya makasagot sa tanong ko.

"Dahil ganoon din ang tingin mo sakin." Biglang napakunot ang noo ko sa sinagot niya.

Hindi din agad ako makasagot sa sinabi niya. Seryoso? Ganoon din ba ako makatingin sa kanya? Na halos kainin ko na siya? Pero..hindi ako ganoon dahil sabi sakin ni Darren dati parang nasa ulap daw siya pag tinititigan ko siya. At ang auntie ko naman ang sabi sakin, ang amo daw ng mukha ko. Pero siya? Siya lang yata ang nakakakita ng devil side ko.

"Na halos..kainin ko na ikaw? Ganoon ba ang tingin ko sa'yo?" Pagkokompirma ko sa sinabi niya at tumango siya.

"I'm sorry..I didn't mean to look at you like that." Sagot ko at ngumiti lang siya sakin.

"Oh, shit. May exam pa nga pala ako ngayon." Nagpapanic kong sabi. Dali-dali kong nilagay ang mga notebook ko sa aking bag at tumayo na. Tatakbo na sana ako nang mabangga ang tuhod ko sa lamesa kaya nagtatakbo ako ng papilay-pilay. Rinig ko ang saglit niyang pagtawa, at napahiya ako ng konti. Nagtatakbo na ako papuntang school.

Hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanya. Hindi ko man lang nalaman kung anong pangalan niya. Pero..sa boses niya, mukhang mabait naman siya. Pero, hindi ko matanggap na like beast ako makatingin.

Around eight o'clock in the evening na natapos ang exam ko. Last na tinake kong exam ay accounting at lugaw na lugaw na ang utak ko ngayon. Nakahiga ang ulo ko sa aking desk dahil sa sakit ng ulo. Buti nalang marami akong nasagot kanina. Bukas may dalawa pa akong kukuhanin.

Parang tinatamad akong magcommute ngayon. Magpapasundo nalang ako kay mama. Kinuha ko ang aking cellphone at tatawagan sana si mama kaso wala pala akong load.

"Kazrine, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ng teacher ko. Ako at si ma'am nalang pala ang natitira sa room.

"Uuwi na po ako." Sagot ko. Sinakbit ko na ang aking bag. No choice ako kundi magcommute pa rin. Nakakapagod pala ang magbiyahe na mag-isa. Inaantok na ako.

Just A KissWhere stories live. Discover now