Chapter 6 (Dahon)

301 11 2
                                    

Hindi pa naman ako sigurado sa sinabi ko. Itatry nga diba? Kung mayakap niya ako akala mo totoong makakasama ako. Atsaka gusto kong mabisita ang Marinduque dahil gusto kong mapanood ang moriones festival nila. Pero 'yun lang talaga ang sinabi ko para may dahilan ako sa makulit na Jake na 'yun, hindi pa ako nagpapaalam kay mama na gusto kong magpunta sa Heart of the Philippines kaya hindi din ako sigurado kung makakapunta kaming Marinduque.

"Good Morning, Ma'am. Here's your coffee Ma'am. Have a nice day, Ma'am." Darren broke my interior point of view.

"Thank you." Sagot ko atsaka ibinaba na ang aking shoulder bag. Kinuha ko na ang librong The Notebook at ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa kung saan ako nahinto.

Today is just another ordinary day for me. Doing what I used to do every day. Sitting. Eating. Reading. Sleeping. At naidagdag ang 'waiting' sa araw-araw kong ginagawa. Hindi ko alam kung bakit hinihintay ko siya. And I feel so stupid searching for him if he's even around the coffee shop habang nakatago ang aking mukha sa librong aking binabasa. Subalit wala. Wala akong nararamdamang presensya niya, I mean..Ramdam kong andito siya sa coffee shop kung may nakatitig sa akin. I mean again, na kaya ko siya nakilala ay dahil sa nakakatakot na tingin niya sakin diba. At ang tingin niya ang nagsisilbing pakiramdam ko kapag nandito siya. I mean, did you get what I mean? Naguguluhan na ako sa aking sinasabi.

Ibinaba ko ang aking libro at hindi ko alam naipatong ko ito sa baso na may lamang mainit na kape kaya napatalon ako bigla dahil sa init na dumampi sa aking hita. Naagaw ko tuloy mga atensyon ng mga costumer. Lumapit agad sa akin si Darren at inabutan niya ako ng tissue atsaka pinunasan ko ang aking denim blue jeans.

"Ayos ka lang?" Tanong niya at tumango ako.

"CR muna ako." Sabi ko at nagtungo na papuntang CR. Binasa-basa ko ng konti ang tissue at pinunasan ulit ang aking pantalon.

Medyo mahapdi ang pakiramdam ko sa may hita ko pero hindi naman ganoon kasakit. Kaya ko pa namang tiisin ang sakit. Hindi naman ganun kasensitive ang balat ko. Hangga't kaya ko pang tiisin ay titiisin ko.

Bumalik na ako sa aking lamesa at bumalik na sa pagbabasa. At napatingin naman ako sa lalaking biglang kumatok sa gilid ko sa bintana. Kumaway-kaway siya sa akin habang nakangiti. Sinundan ko siya ng tingin sa pagtatakbo patungo sa pintuan ng coffee shop at nang makarating na siya sa harapan ko.

"Sinabi na nga ba eh. Lagi akong napapadaan doon at lagi kitang nakikita dito sa café. 'Yan 'yung moment na inaalala ko kagabi kung saan kita nakikita. Hindi pa pala tayo nagkikita pero ikaw ay nakikita ko. Diyan, laging nakaupo. Tuwing umaga." Walang preno, sunod-sunod niyang sabi.

Ang daan na tinutukoy niya ay 'yung daan na puno ng santan ang gilid. Lahat ng daan patungo sa coffee shop ay may tanim na santan sa gilid. Mahilig si mama sa flowers kaya sabi niya gusto niya may mga bulaklak na nakatanim kapag dadaan ng coffee shop namin. At kaya niya ako nakikita ay dahil sa lagi siyang dumadaan sa gilid ng coffee shop.

"Pero never kang pumasok dito?" Tanong ko at tumango siya.

"Itry mo 'yung kape dito. I assure to you na hindi ka magsisisi." Inendorse ko pa ang coffee shop namin. Haha

"Sure. Kapag hindi ko nagustuhan, hindi ako magbabayad."

"Bahala ka. Baka magalit ang may-ari. Hindi kana ulit makakapunta dito." Pagbibiro ko at natawa naman siya

"Kahit hindi ko pa nga natitikman. Alam ko namang masarap. Sabi mo kasi eh." Sagot niya atsaka kumindat pa sa akin at nagtungo na siyang counter at umorder na atsaka bumalik din sa pwesto ko. Mukhang chickboy itong makulut na Jake na ito. That sounds na ang judgemental ko pero..naoobserve ko lang na chickboy siya. Unless, iprove niyang hindi totoo ang iniisip ko.

Just A KissWhere stories live. Discover now