Chapter 11 (Talking to Jacob)

236 7 0
                                    

Bale iisang room lang ang available kanina kaya iisang room lang din ang ginagamit namin. Puno na daw ang hotel at buti nalang nga nakaabot pa kami. Pababa ako ng hagdan nang makasalubong ko si Jacob.

"Saan kana?" He asked

"Ah, g-ginagamit pa ni Abigail and Mark ang kwarto." Sabi ko sa kanya habang pinagdidikit ang palad ko.

"Ano na talaga ang dalawa na 'yun.." may pakamot sa ulo na sagot niya.

"Okay lang. Hindi pa naman ako inaantok and I was planning na magstargazing tonight." Sagot ko

"Wow. Great idea! So, you loved stars too?" Tanong niya at tumango naman ako.

"I'm addicted to them actually." Nangingiting sagot ko at tumawa naman siya. Lumabas na kami ng hotel. Sa paglabas namin ng hotel na hindi kumulang sa apat na palapag ay may mga maliliit na flag sa bawat gilid ng daan and I think 20 pairs yun at sa end nun ay mga anim na kubong nakahilera which is mga full na dahil sa mga nag-iinuman at sa end naman ng mga kubong iyon, doon mo matatagpuan ang restaurant na pinagkainan namin kanina at lalakad ka lang ng mga 6km from the restaurant ay nandoon ang beach party. Hindi na ako nagtataka kung bakit ang daming tao dito kasi holy week na. Mahabang bakasyon na 'yan para sa mga tao at kami..2 nights lang kaming magbabakasyon dito. Lumakad na kami sa buhanginan na kahit madilim at hindi maabot ng ilaw na nagmumula sa kubo ay makikita mo pa rin ang nangingintab na puti ng buhangin.

"Sila?" Tanong ko pointing to Mark and Abigail.

"Si Mark and Abigail? Matagal na sila, almost 5 years na yata at nagpaplano na yatang magpakasal 'yan." Sagot niya at tumigil na ako sa paglalakad nang maramdaman kong perfect spot na'to para sa pagstargazing. I forgot to mention na ako ang pinakabatang kasama nila.

"Ah, kaya pala." Sagot ko

"Ako na ang humihingi ng sorry para sa kanila." Sagot ni Jacob at humiga sa buhanginan. I stayed sitting on the sand. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Sanay na kami sa dalawa na 'yun. Wala eh..sanayan lang talaga." Dagdag pa ni Jacob.

"Si Lawrence at Alex may girlfriend?" Tanong ko.

"Si Lawrence, meron kaso hindi nakasama kasi marami yatang ginagawa. Si Alex, meron 'yan, long distance relationship at ako obviously wala." Sagot ni Jacob at natawa lang ako sa kanya.

"Kaz, higa ka dito." Sabi niya habang tinuturo ang kanyang braso.

"Wag na, okay na ako dito." Sabi ko at ngumiti lang.

"Higa kana. Mangangalay ka diyan." Sabi niya at nahiga na rin ako sa braso niya.

"Saan ka nag-aaral?" Tanong ko habang nakatingin sa big dipper.

"Sa William University. Graduating student na ako, Architecture." Sagot niya.

"Ikaw?" Agad naman niyang tanong.

"Business Administration. Third year palang." Nangingiting sagot ko.

"Ikaw ang gagawa ng dream house ko." Sabi ko sa kanya.

"Oo ba, basta kasama ako sa dream na 'yun."

"Baliw." Nasagot ko nalang. Nakatitig pa rin ako sa langit at parang may nakikita akong eroplano na hindi gumagalaw. Ibig kong sabihin parang nastuck sa langit ung eroplano pero ilang sandali lang sa pagtitig ko ay umandar na rin ang eroplano.

"Mas masaya ditong mahiga kesa sumayaw." Wika niya

"Oo." Sagot ko. At pagkatapos naming mahiga doon ng halos dalawang oras ay bumalik na rin kami sa room. Mabuti at wala na sila Abigail, bumalik na yata sa pagpaparty.

Just A KissWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu