Chapter 23 (Ignorance)

75 2 0
                                    

Binuksan ko ang bintana at nakita ko nga siya doon. Bumaba na ako.

"Saan ka na naman pupunta?" tanong ni mama

"Diyan lang sa labas. Saglit lang po ako." Paalam ko at lumabas na.

"Kanin aka pa ba dito?" Tanong ko.

"Mga thirty-minutes na."

"Ay sorry. Kagising ko lang kase."

"Halata nga. May muta ka pa." sabi niya at lumapit sa akin at inalis ang muta sa mata ko.

"Meron pa ba?" tanong ko

"Wala na."sagot niya.

"Saan ka nanggaling? Halos isang linggo kang nawala. Wala ka man lang text sa akin. Pinag-alala mo ako." Wika ko.

"Umuwi ako sa probinsiya namin. Mahina ang signal doon." Sagot niya.

"Wala ka man lang paalam bago ka umalis."

"Mukhang masaya ka naman sa kaibigan mo kaya hindi na ako nagpaalam." Sagot niya at napakunot ang nook o.

"Kaibigan?"

""Yung kasama mong magserve sa coffee shop."

"Si Jacob ba. Manliligaw ko 'yun. Pero kahit na, nagpaalam ka pa rin sana." Wika ko at nakita ko ang paglaho ng ngiti sa kanyang mukha.

"Hinahanap mo ako?" Tanong niya.

"Ha?Hindi ah." Tanggi ko.

"Bakit kailangan kong magpaalam sa'yo?" tanong niya.

"Masama bang magpaalam kahit walang namamagitan sa atin? E sa nais kong malaman kung nasaan ka." Sagot ko at ginulo-gulo niya ang buhok ko.

"Paumanhin, Bunso. Narito na ako sa tabi mo. Wag ka ng magtampo sa akin." Sagot niya pero inirapan ko lang siya.

"Nakita mo na ba 'yung iniwan ko sa bahay mo?" tanong ko.

"Hindi pa. Ano 'yun?"

"Wala."

"Sige na. Papasok na ako. Bye. Ingat ka pauwi." Dagdag ko at lalakad na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Hindi mo ba ako namiss?" Tanong niya. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Dahil ikaw, namiss ko." Dagdag pa niya. Tumalikod na ako at pumasok na sa loob. Umiling-iling ako. Hindi kita namiss. Hindi. You are nothing to me. You are just my eldest brother who's concerned for his younger sister. I don't miss you and I will never miss you. I told to myself.

KUYA: Hindi mo ako hahanapin kung hindi mo ako namimiss.

Text niya subalit hindi ko siya nireplyan. Hindi ko siya namiss. I was just searching for his presence.

KINABUKASAN ay nagtungo ako ng maaga sa coffee shop. Nandiyan na siya. I mean, nandiyan na siya para magkape.

"Good morning, beautiful." Wika ni Jacob. Alas otso na ng umaga nang siya ay makarating sa shop. For straight one week, he was on my side.

"Good morning, aga mo ah." Sagot ko habang nagpupunas ng bintana.

"Syempre, ikaw ang gusto kong makita tuwing umaga. Wala ng iba. Ikaw ang morning flower ko." Sagot niya atsaka pinisil ang pisngi ko. Kinuha niya 'yung pamunas at dusk cleaner.

"Ako nalang ang maglilinis, ayoko nang napapagod ka." Dagdag pa niya. Umupo nalang ako sa counter at pinagmasdan siyang maglinis.

Gwapo si Jacob. Singkit. Maputi at matangkad, hanggang tainga niy a lang ako. He caught me staring at him. Ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako pabalik. That moment, narealize ko na hindi siya 'yung kumukompleto ng araw at pagkatao ko. Hindi siya 'yung taong gusto kong makita tuwing umaga. I don't feel anything for him but I was trying. I swear, I was trying but..but he can't force me to like him back, to love him back but really, I am trying.

Just A KissWhere stories live. Discover now