Chapter 24 (I almost do)

78 2 0
                                    

Kinabukasan ay nagpahatid ako sa coffee shop kay mama. Ayaw kong isipin ang sinabi ko sa kanya kagabi subalit sumasagi talaga siya sa aking isip na tila ba kinokonsensya ako ng aking puso sa aking ginawa.

"Natrace na ni papa mo ang nagcarnap ng kotse mo. 'Yung kotse nasa police station na." wika ni mama

"Mabuti naman po. Ano daw ang dahilan sa pagcarnap ng kotse?" Tanong ko

"Isasangla daw ang kotse, ipinost pa sa social media tapos inalis 'yung plate number ng kotse mo. Mabuti at may nagreport agad sa pulis. Ayun, natrace nila papa mo." Sagot ni mama.

"Tutungo nalang ako mamaya sa police station at kukunin ang sasakyan." Wika ko at tumango nalang si mama.

"Ingat ka, ma. Thank you sa paghatid." Sabi ko at pumasok na sa coffee shop.

"Mas nauna pa siya kesa sa amin. Hindi pa bukas ang shop, nandiyan na siya. Inaabangan ka." Wika ni Darren habang naglilinis. Napatingin ako kay Jake na nakatingin sa akin.

"Ikaw nalang ang magserve sa kanya." Utos ko kay Sam. At dinala na ang kape kay Jake.

"Ma'am, gusto ka daw po niyang makausap." Wika ni Sam pagbalik niya.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa katapat niya.

"Anong kasalanan ko? Akala ko okay tayong dalawa?" Tanong niya.

"Ayaw na kitang makita simula ngayon. Kung makita mo man ako, magpretend ka nalang na hindi mo ako kilala." Wika ko habang nakatingin sa kanya.

"Bakit?" Nangungunot noo niyang tanong.

"Ayaw na kitang maging kuya o kaibigan. Wag mon a akong ililigtas."

"Bakit?"

"Kalimutan mo na ako."

"Okay naman tayo kahapon. Bakit bigla kang naging ganyan? Bakit bigla mo nalang akong pinapaalis sa buhay mo na parang wala tayong pinagsamahan? Pinagdaanan? Bakit bigla mo nalang akong itataboy?" tanong niya at itinuon ko ang aking tingin sa labas ng coffee shop.

"Humanap ka nalang ng ibang babae na pwede mong maging kaibigan. 'Yung hindi ka huhusgahan." Sagot ko.

"Anong problema, Kazrine? Tumingin ka sakin." Wika niya at hinawakan niya ang baba ko at pinatingin sa kanya. Inalis ko naman ito.

"Walang problema. Umalis kana sa buhay ko. Hindi kita kailangan. Kaya kong mabuhay ng mag-isa. Kaya kong iligtas ang sarili ko ng mag-isa. Umalis kana." Wika ko habang nakatungo.

"Hindi pwedeng basta basta mo nalang ako papaalisin sa buhay mo. Hindi 'yun ganun lang kadali. 'Yung nakasanayan mong makausap at makita na tao bigla nalang mawawala dahil sinabi mong umalis siya?" wika niya sa akin.

"Kalimutan mon a ako." Sagot ko nalang. At dinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Meron pa ba?" Tanong niya.

"Meron ka pa bang sasabihin?" Dagdag niya.

"Wala na."

"Sige Kazrine. Salamat sa lahat. Sana maging masaya ka sa pagkawala ko. Sana maging masaya ka dahil bigla mo nalang akong pinaalis sa buhay mo." Wika niya at kinuha ang jacket niya at umalis na ng coffee shop.

I didn't know that I was the one who will get hurt. Kakalimutan na rin kita, Kuya. Hindi na siguro tamang mamiss mo ako at mamiss kita to the point na mahalin na pati kita. As soon as I can I want to give this piece of love to Jacob because I think he deserve me and I deserve him. And my family knows Jacob better than him.

Just A KissМесто, где живут истории. Откройте их для себя