Chapter 61 (Restart)

62 2 1
                                    

"ON GOING ANG INVESTIGATION SA PAMILYA NI MAYOR SUAREZ AT NANG HALUGHUGIN NG MGA PULISYA ANG KANILANG BAHAY AY KUMPIRMADONG ISA SIYANG DRUGLORD DAHIL SA NAKUMPISKANG IBA'T-IBANG KLASE NG DROGA NA MAHIGIT KUMULANG 10.5 BILLION PESOS. INIIMBESTIGAHAN NA RIN ANG MGA ANAK NI MAYOR SUAREZ AT ITO ANG PANAYAM NAMIN KAY CATHERINE SUAREZ"

"Hindi po isang druglord ang ama ko. Ang mga yaman namin ay nanggaling sa business namin at sa pagsisikap ng papa ko sa kanyang trabaho. Wala siyang ibang kundi paglingkuran ang bayan subalit ganito ang iginanti sa kanya. Walang puso ang gumawa nito." Sagot ni Catherine sa reporter

"Anong masasabi mo sa issue na ang ama moa ng nagpapatay sa pamilya ni Mayor Hernandez?"

"Hindi totoo 'yun. Napagbayaran na ng totoong pumatay sa pamilya ni Mayor Hernandez kaya labas na kami sa issue na 'yan."

"Totoo po ba na pinatawan ng death penalty si Emille kahit na hindi pa ito approve sa senado?"

"Dumaan sa due process ang case niya at mismong pamilya ni Mayor Hernandez ang humiling na patawan siya ng kamatayan." Sagot nito at pinatay ko na ang TV. Sinungaling! Dumaan bas a due process ang wala pa sa dalawang araw pinarusahan na agad si Jake? Ang sabihin niyo, binayaran niyo ang judge.

Napaisip tuloy ako kung sino ang pumatay kay Mayor Suarez? Hindi kaya ang grupo ni lolo? Pero kakapunta ko lang sa kanila at sabi niya ayaw nilang gumanti.

"Sa tingin mo ma, sino ang pumatay kay Mayor Suarez?" Tanong ko kay mama.

"Hindi ko alam pero diba ang main agenda ng Presidente natin e war on drugs. Siguro, nasa listahan siya ng mga druglords sa bansa kaya pinatay siya." Sagot ni mama

"Eh si papa? Buti hindi siya pinatay o inalis sa pwesto gayong nakitaan din siya ng droga at mga baril dito sa bahay." Wika ko at binigyan ako ni mama ng juice. Tumabi siya sa pagkakaupo ko sa couch.

"Nagretired na si papa mo sa pagkapolice." Wika ni mama

"Kailan pa?" Gulat kong tanong.

"Kahapon lang." sagot ni mama.

"Mas mabuting magfocus nalang kami sa business natin." Dagdag pa niya.

"Bakit niya naisipang magretired? Sana noon niya pa ginawa."

"Para sa atin ang desisyon niya anak. Ano man ang rason ng papa mo, intindihin nalang natin." Sagot ni mama at hindi nalang ako nagtanong muli.

Limang araw ang lumipas ay nailibing na si Mayor Suarez. Now they know how painful to lose a love ones. Kapag talaga gumanti ang karma, doble-doble ang balik sa'yo. Mas matindi pa sa ginawa mo. Nasa sala ako ngayon, nanonood ng balita.

"ISANG ARAW MAKALIPAS ILIBING SI MAYOR SUAREZ AY INARESTO NAMAN ANG BUNSONG ANAK NITO DAHIL SA SALANG PANGGA-GANG RAPE SA DALAGANG NATIPUHAN NILA. NAKUHAAN DIN SILA NG DROGA SA LOOB NG KOTSE AT NAGSAMPA NA NG KASO ANG PAMILYA NG BIKTIMA SA KORTE LABAN KAY ARVIN SUAREZ KASAMA ANG MGA KAIBIGAN NITO."

Just A KissWhere stories live. Discover now