Chapter 51(In prison)

60 2 0
                                    

Hinanap ko kung saan nakakulong si Jake.

"Jake!" Tawag ko sa kanya at kumapit sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya. Lasa ko ang alat ng luhang nanggaling sa mga mata namin.

"Magiging okay din ang lahat." Sabi niya at ngumiti sa akin. Inilagay ko sa kamay niya ang rose na dala ko. 'Yan ang ikadalawampung rose na ibinigay ko sa kanya ngayong araw. Three more rose to go at monthsary na namin.

"Jake, anong gagawin natin?" Tanong ko. Dumating na nga ang araw na kinatatakutan namin.

"Ikaw nalang ang natitirang pag-asa ko Kazrine." Wika niya.

"Ano man ang mangyari sakin ngayon o bukas o sa susunod pang bukas, lagi mong tandaan na mahal na mahal kita." Dagdag pa niya habang umiiyak.

"Bakit kailangang mangyari satin 'to, mahal?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko maintindihan. Bakit kailangang tayo?" Pinunasan niya ang luha ko.

"Bakit kailangang maging unfair ng mundo sa atin?"

"Bakit kailangang ikaw ang magdusa sa kasalanang hindi mo ginawa?"

"Bakit kailangang ako ang masaktang nakikita kang nandiyan?"

"Inasahan ko ng mangyayari ito sakin, mahal.  Handa na ako." Wika niya.

"Mahaal." Tawag ko sa kanya at may lumapit sa kanyang barumbadong lalaki at kinuba ang rose na binigay ko sa kanya at tinapakan ito ng paulit-ulit. Hinigit nila si Jake papalayo sa akin dahilan para matumba ito.

"Anong ginagawa natin sa mamamatay tao?" Tanong ng lalaki at sinipa si Jake.

"WAG! WAG PLEASE! WAG NIYO SIYANG SAKTAN!" sabi ko at nakatingin lang sakin si jake habang umiiyak. Napaupo ako habang inaabot ang kamay niya.

"ANONG GINAGAWA SA MAMAMATAY TAO?!" sigaw niya

"BUGBUGIN! PATAYIN! BUGBUGIN! PATAYIN!" sigaw ng mga preso. Pinatayo nila si Jake atsaka sunod-sunod nilang sinuntok. Sumusuka na siya ng dugo. Nag papanic na ako.

"WAG! MAHAAAL!" sobrang sakit makita siyang sinasaktan. Walang katumbas ang sakit na naramdaman ko ngayon. Tang ina talaga. Gusto kong pumasok sa selda at pagbabarilin sila! Tang ina naman. Jake. Tumayo ako at hindi ko alam na may police pala na naka stand by sa selda. Lumapit ako sa kanya at lumuhod subalit nakatingin lang siya sa akin.

"Ilang beses pa ba akong magmamakaawa sa inyo?" Sabi ko. Tang ina. Walang gagawin ang hayop na mga police na'to. Walang kwenta. Nakakapanglumong makita si Jake na sinasaktan nila. NASAAN ANG HUSTISYA?! Lumabas ako at nakasalubong ko si papa.

"Patigilin mo sila, Pa. Patigilin mo." Halos hindi ko maintindihang sabi dahil sa aking hikbi. Ginamit ni papa ang pito niya at tumigil naman sa pangbubogbog ang mga preso. Duguan si Jake at maga ang mukha niya dahil sa suntok. Pinabuksan ni papa ang selda. Agad akong pumasok at niyakap si Jake na nakalugmok sa sahig.

"Mahal." Tawag ko sa kanya habang umiiyak. Ngumiti siya sakin.

"Malakas ako mahal. Si Jacob Black ako diba?" Mahina niyang sabi at ngumiti sa akin.  Nakayakap lang ako sa kanya at lumapit sa akin ang police at pinalabas ako sa selda at isinarado nila ito. Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti. Paano mo pa nagagawang ngumiti sa harap ko, Jake? Ang ngiti mo ang lalong dumudurog sa puso ko.

Maya-maya'y dumating si Mayor Suarez at Alvin Suarez. Sinampal ko sila parehas.

"MGA DEMONYO KAYO! KAYO DAPAT ANG NABUBULOK SA KULUNGAN!!" galit kong sigaw sa kanila.

"Pinalaki mong matapang ang anak mo, Chief." Sabi ni Alvin Suarez. Akala ko patay na ang hayop na to. Nakalimutan kong matagal nga palang mamatay ang masamang damo. Lumapit siya sa akin at bumulong.

Just A KissWhere stories live. Discover now