Chapter 10 (New Friend)

248 6 0
                                    


So, My choice ay ang sumama na muna kay Jake papuntang blue sea resort. Tinext ko siya na sasama ako sa kanya at ang sagot naman niya dadaanan nalang daw niya ako dito sa bahay. Diniscribe ko lang kung saan nakapwesto ang bahay namin dahil nakapunta naman na siya sa bahay ni Mendy which is kavillage lang din namin. I have no idea kung anong gagawin ko dun dahil hindi ko naman talaga masyadong kaclose si Jake kaya syempre nakakailang din. Pero nagdala na rin ako ng swim suit in case na yayain ako ni Jake maligo pero wala talaga akong balak maligo, in case lang naman.

Isinakbit ko na ang Jansport bag ko at bumaba na ng aking kwarto. Kanina pa ako hinihintay ni Jake sa sala namin na kasalukuyang kausap si mama.

"Ingatan mo ang anak ko." Sabi ni mama kay Jake. Ngumiti lang ako.

"Opo tita. Aalagaan ko po siya." Sagot naman ni Jake

"Tara na." Sabi ko at tinungo na ang labas. Hinatid kami ni mama hanggang sa kotse ni Jake. Sumakay na ako at sa passenger seat ako nakaupo. May apat pa daw kasi na sasakay sa backseat kaya dito nalang daw ako sa tabi niya.

"Ingat kayo." Sabi ni mama habang kumakaway sa amin.

Nakalabas na kami sa villa at isa-isa na naming pinuntahan ang mga bahay ng kaibigan niya hanggang sa maging kumpleto na.

"Pare, sino 'yang magandang kasama mo?" Napatingin ako sa rearview mirror. At ang nagtanong ay ang lalaking may dalang gitara. Ngumiti lang ako.

"Guys, siya si Kazrine. Be nice to her kung hindi palalabasin ko kayo dito sa kotse ko habang umaandar." Banta agad ni Jake at natawa lang ako.

"Grabe ka naman makaprotekta sa kanya. Meron bang kayo?" Tanong naman nung babaeng naka messy ponytail ang buhok.

"Inihabilin siya sa akin ng kanyang mama kaya magalusan lang siya, ako ang lagot." Sagot naman ni Jake

"By the way, sila 'yung mga kaibigan ko Kazrine. From left to right, Mark, Alex, Abigail and Lawrence."

So, lawrence pala ang name nung lalaking may gitara. 'Yung isa naman na nakaheadphone ay si Alex na sobrang seryoso ang mukha at Abigail ang name nung babaeng nakamessy ponytail and Mark ang name nung nasa likod ko. Okay lang naman mga itsura nila, halatang mga disente at alam kong hindi ako mapapahamak. Hindi naman mga mukhang maniac. XD

After 2 long hours drive, nakarating na kami sa blue sea resort. Nagcheck in na kami sa hotel at pagkatapos namasyal na sila, mas pinili kong magstay sa room at humiga. Pinipilit nga ako ni Jake na lumabas pero ayoko talaga. Haaays. Nakatitig lang ako sa ceiling ng room na ito. Hindi ko talaga feel makasama ang hindi ko kilala. 'Yung kakilala ko palang talaga. Hindi ako komportableng gumalaw.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nakinig ng tugtog gamit ang earphone. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpadala sa magandang boses na naririnig ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Kaz..Kaz.." naimulat ko bigla ang aking mga mata dahil sa tumatawag sa pangalan ko. Si Jake pala.

"Kakain na tayo." Sabi niya na kasalukuyang nasa tabi ng kama ko.

"Sige. Susunod ako." Sabi ko at nagtungo na sa CR para maghilamos. Pag labas ko sa CR ay nandoon pa rin si Jake sa kama, hinintay niya pala ako.

"Tara. Sorry, nakatulog ako."

"okay lang. Napagod ka yata sa biyahe. Sina Mark agad na naligo sa dagat pagkadating natin, yayayain ka sana naming maligo kaso tulog ka pala kaya hindi na rin ako naligo. Gusto ko sana kasama ka.."

Tiningnan ko ang orasan sa cellphone ko at lagpas alas otso na pala. Ang tagal ko rin palang nakatulog. Dumating kasi kami dito sa resort ay four thirty to be exact and almost three and a half hours din pala akong tulog.

Just A KissМесто, где живут истории. Откройте их для себя