Chapter 27 (Her first kiss)

78 2 0
                                    

Bumaba na kami ng bundok. Si Alex nalang ang nagdala ng bag ko instead of Jacob. Hindi ko siya kinakausap at wala na akong balak na kausapin pa siya. Nakakadisappoint lang. Though yes, nagkaroon na ako ng rason para layuan siya pero pinagkatiwalaan ko siya. Akala ko hindi siya kagaya ng ibang lalaki na playboy, kabilang pala siya doon. Mabuti nang nalaman ko na iyon ng maaga at least, hindi na niya ako maloloko pa. Nagtry pa naman akong mahalin siya at mabuti nalang hindi ako nahulog sa bitag niya.

Nang makasakay kami ng van ay tahimik ang lahat. Nakikiramdam ang isa't-isa. Hinatid na nila ako sa bahay at pagdating sa bahay ay agad akong pumasok sa loob. At nagpahinga sa couch . Hindi ko sila nilingon o nagpasalamat man lang. Nakakasama ng loob.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinelete ang number ni Jacob. Siya pala ang dapat na pinapaalis sa buhay ko. Hindi si Jake.

"Kazrine, si Jacob nasa labas ng bahay." Wika ni mama na galing sa labas.

"Hayaan mo, ma. Pauwiin mo na yan." Naiinis kong sagot.

"Magkagalit kayo?"

"Hindi, ma. Basta." Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni mama

"Sa coffee shop."

"May nahire na kaming bodyguard mo."

"Nasaan siya?"

"Bukas pa ang start ng trabaho niya. Nagresign pa siya sa trabaho niya e. Sabi niya construction worker daw siya. I wonder kung paano siya natuto ng self defense." Wika ni mama.

"Lalaki ba yan?" Tanong ko.

"Oo. May edad na siya." Sagot ni mama.

"Ah okay. Punta muna akong coffee shop."

"Ingat ka. Si Jacob, isama mo." Wika ni mama subalit hindi ako sumagot. Kapal niya, di ko siya isasama. Binuksan ko na ang garahe. Sumakay na sa kotse. At lumabas ng bahay. Nakita ko si Jacob na nakaupo sa gilid ng gate. Napatayo siya ng makita niya ako subalit hindi ko siya pinansin.

Hindi ako nagpunta sa coffee shop. Sa bahay ni Jake ako nagpunta. Nagbusina muna ako ngunit parang wala naman siya. Tinext ko nalang siya.

BUNSO: Nasa trabaho ka ba, kuya?

KUYA: Wala. Nasa Mercury Drug ako, may binibili lang. Bakit bunso?

BUNSO: Nandito ako sa bahay mo.

Agad siyang tumawag.

"Wala kang pasabi na pupunta ka sa bahay." Wika niya.

"Bakit, bawal ba?" Tanong ko.

"Hindi naman. Wala kase akong maipapakain sa'yo."

"Sagana na ako sa pagkain."

"Kung sa bagay, mayaman ka. Ibibili nalang kita dito. Anong gusto mo?"

"Ikaw."

"Bunso, pagkain ang tinatanong ko."

"Ikaw." Inihiga ko ang foam. At naupo ako doon.

"Siya sige at uuwi na ako, bunso. Miss na ako ng bunso ko." Wika niya at pinatay na ang tawag. Naiwan lang akong nakangiti habang nakatitig sa cellphone.

Five minutes later, dinig ko ang pagdating niya. Tumago ako sa likod ng pintuan. Binuksan na niya ang pinto at gugulatin ko sana siya pero nauwi ito sa pagdikit ng labi namin. Shit. Oh mama. Sa hiya ko ay napatalikod agad ako sa kanya at tinabunan ng braso ang namumula kong mukha. Dinig ko ang pagtawa niya. Ibinaba niya sa sahig ang plastic na may laman ng pinamili niya at niyakap ako mula sa likod.

Just A KissWhere stories live. Discover now