Chapter 25 (Jake is back)

87 2 0
                                    

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako sa aking kwarto. Andito. Nalulungkot na naman. Siguro nga, good idea ang mag-aral ako ng self defense para makapagliwaliw ako at para tuluyan ko ng makalimutan si Jake. Feeling ko limot na rin naman niya ako eh. Kung totoo 'yung sinasabi niyang gusto niya ako o kung ano pa man. Teka? May sinabi ba siyang gusto niya ako. Basta. Kung gusto niya man ako, gagawa siya ng paraan diba? Na kahit pinapaalis ko siya ng buhay ko, magsstay pa rin siya. Kung namimiss niya ako gagawa siya ng paraan para makita ako pero masyado niya yatang dinibdib ang mga sinabi ko. Ganoon yata kapag matanda na. Masyadong seryoso sa buhay. Thirty-four years old na siya, remember? He was too old for me. I was too young for him. Hindi kami bagay at tama lang na pinaalis ko siya sa buhay ko. But does age matter at all? Ugh.

I went to my magic roof with my cellphone and earphone. Humiga ako at nakinig na naman ng kanta habang nakatingin sa langit na puno ng tala. Kita ko ang orion at ang half-moon na buwan.

San darating ang mga salita

Na nanggagaling sa aming dalawa

Kung lumisan ka, wag naman sana

Ika'y kumapit na, nang di makawala

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at

Mundo

Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo

Mundo'y magiging ikaw

Wag mag-alala kung nahihirapan ka

Halika na, sumama ka

Pagmasdan mga tala

Ooohh...

(Mundo by IV of Spades)

I was here para maalis ang bigat na nararamdaman ng puso ko. I was here to imagine na magkita kaming muli in the right time at unexpected moment so I can finally say that I like him. I just realize right now na opposite ang sinasabi ng puso ko sa isip ko.

I was lying here for fifteen minutes. Inayos ko ang higa ko nang may makita akong lalaki na nakatayo sa lamp post. Napaupo ako bigla at inaninaw ko siya. At malakas ang instinct ko na siya nga iyon. I was about to stand up when I slipped.

"Maaaa!" Sigaw ko habang nakakapit sa dulo ng bubong. Nahulog na ang aking cellphone at earphone.

"Maaaa! Tulong. Mahuhulog ako!" dudulas na ang kamay ko at mahuhulog na ako.

"Maaaaa!" Buong lakas kong sigaw pero wala pa ring lumalabas ng bahay para tulungan ako. Babagsak na ako. Napapikit nalang ako sa takot at hinayaan ang sarili na bumagsak sa lupa. Pero nagkamali ako, may sumambot sa akin. Ang taong matagal ko ng namimiss. Ang taong matagal ko ng gustong makita. I miss those demon eyes staring at me that gives me the adrenaline rush and butterflies in my stomach.

Itinayo na niya ako at umalis na siya. I'm still in state of shock. I was looking at him as he walked away from me. Tumakbo ako papalabas ng gate para habulin siya pero wala na. Kinain na siya ng dilim.

Ang mga paa ko ay nakatapak sa malamig at mamasa-masang kalsada na nagdadalawang isip kung susundan siya sa madilim na daan subalit nanaig ang pagnanais kong makausap siya kaya't tinahak ko ang mapanganib na daan hanggang sa makarating ako sa hi way subalit wala akong nakikitang Jake.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko namalayang nasa gitna na pala ako ng daan at maingay na busina ng mga sasakyan ang gumitla sa akin.

"Hoy miss! Umalis ka sa daan. Magpapakamatay ka ba?"

Aalis na ako sa gitna nang may humawak sa kamay ko at higitin ako sa tabi. Bibitawan na niya sana ang kamay ko pero hindi ako pumayag.

Just A KissWhere stories live. Discover now