Chapter 15 (His House)

410 16 8
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay umuwi na rin siya. At ako nama'y humiga na sa aking kama nang biglang maalala ko ang nangyari sain ni Jake kanina. Aish! Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya.

KAZRINE: Sorry kanina sa mga sinabi ko.

Sent!

Maya-maya'y tumawag na siya, halos matapon ko nga ang cellphone ko nang magappear ang pangalan niya sa screen. I clear my throat and answer the call.

"Hello?"

"Hello?" sagot ko

"Kumain ka na?" Tanong niya

"Ahm, Oo. Kumain na ako, kani-kanina lang." Sagot ko at tumahimik kami for about 5 seconds.

"Sorry talaga kanina. Hindi ko sinasadyang husgahan ka." Dagdag ko pa.

"Nasa labas ako ng bahay niyo."

"Ha? Ah?" Agad akong tumayo at tumingin sa bintana ko. Nasa may street light siya nakatayo. Ang bintana ko kasi ay nakaharap sa kalsada which is tapat ng gate namin.

"W-wait lang." Sabi ko at pinatay na ang tawag. Kinuha ko ang aking jacket at lumabas na ng bahay. Lumapit ako sa kanya na kasalukuyang nakasandal sa poste ng ilaw.

"Kukunin ko lang sana ang sumbrero ko." Sabi niya. Shet. Oo nga pala.

"Sorry, hindi ko alam. Nakalimutan ko. Babalikan ko lang."

"Sasabihin ko palang sana kaso pinatay mo na agad ang tawag." Natatawang sabi niya

"Bakit ka tumatawa?"

"Mukhang natataranta ka kasi. Mukhang natatae." Sabi niya at muli pang tumawa. Nang-aasar lang.

"Kukunin ko na sumbrero mo." Sagot ko at pumasok na ulit sa loob at kinuha ang sumbrero niya. Pinabanguhan ko pa ng perfume ko, baka sabihin niya ang baho ng ulo ko. Nakakahiya.

"oh, 'yan na." sabi ko at inabot sa kanya ang itim niyang sumbrero na ang tatak ay nike.

"Hindi ka talaga marunong magpasalamat kahit kailan." Sagot niya

"Salamat." Agad kong sagot at napatingin ako sa kaliwang parte ko kung saan may paparating na sasakyan. Inaaninag ko ito at parang kotse ni papa.

"Mukhang natataranta ka na naman?"

"Si papa yata 'yun.." nangungunot noong sabi ko at hinigit niya ako papalapit sa kanya at itinago sa malaki niyang katawan. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan at hininga niyang tumatama sa noo ko. Nakapasok na sa garahe ang kotse ni Papa. Tinulak ko na siya papalayo at medyo napalakas pa.

"Sorry." Sabi ko

"Pasok kana sa loob." Sagot niya at walang imik na lumayo sa kanya.

Tinungo ko na ang gate namin subalit hindi koi to mabuksan. Patay. Nasaraduhan ako ni Papa. Napatingin ako kay jake at nandoon pa rin siya sa lamp post, nakatingin sa akin. Alam na alam ko talaga ang matatalim niyang tingin. Kahit hindi ko kita ang mga mata niya sa dilim ay tila nagliliwanag ito. Parang mata ng lobo na nagliliwanag sa dilim.

"Nakalock na ang gate." Sabi ko

"Hindi kana makakapasok." Sagot niya

"Malamang, nakalock nga eh." Sagot ko at natawa naman siya

"Sama ka nalang sakin."

"Saan?"

"Sa bahay."

"Mo?"

"oo."

"Baka hanapin ako nila Papa." Sagot ko. 'Yung cellphone ko pa naman ay nasa kwarto ko.

"Sige. Diyan ka nalang matulog sa labas ng gate niyo." Sabi niya

Just A KissWo Geschichten leben. Entdecke jetzt