Chapter 35 (The secret)

67 2 0
                                    

Nagtungo muna ako sa bahay para kunin ang ATM ko at pagkatapos ay nagpunta sa SM at bumili ng damit niya. Polo-shirt blue na bench ang binili ko at shorts at vans na sapatos. Hindi ko alam kung bakit ito ang naisipan kong regalo sa kanya, siguro it's because napapansin kong paulit-ulit lang ang mga damit na sinusuot niya at sira na rin ang sapatos niyang sinusuot. Nagtungo naman ako sa national bookstore at bumili ng stationery letter. Doon ako nagsulat ng message para sa kanya.

Mahal kong Jake,
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sulat kong ito para sa'yo pero una sa lahat, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita higit pa sa mga materyal na bagay na nakikita mo sa mundong ito. Minsan ba napapaisip ka kung bakit tayo pinagtagpo ng tadhana? Ang hirap sagutin ng tanong na iyo pero ang alam ko lang na sagot ay dahil gusto ni Lord na maranasan natin kung ano ba talaga ang pagmamahal. Kaya kong isuko ang lahat sa akin, para sa'yo. Kaya kong talikuran ang mga magulang ko para sa'yo, kaya kong isuko ang kinabukasan ko para sa'yo. Nakita ko ang kahulugan ng tunay na pagmamahal dahil sa'yo. Tinuruan mo akong wag maging makasarili. Tinuruan mo akong maging matapang. Tinuruan mo akong lumaban. Tinuruan mo akong maging matibay. At ang makilala ka ang hindi ko pinagsisisihan sa lahat despite na ayaw sa'yo ng mga kaibigan ko. Alam kong alam mo 'yun pero hinayaan mo lang sila at pinatunayan mo sa kanilang deserve mo ako. Pero hindi naman sila ang pakikisamahan mo kundi ako, diba? Hindi natin kailangan ang approval ng ibang tao sa pagmamahalan natin.

Mahal na mahal kita, Jake. Nandito lang ako lagi sa tabi mo para protektahan ka. I'm here to save you and you're here to save me. Sasamahan kita saan ka man magpunta. Ikaw na ang gusto kong mapangasawa at makasama habang buhay at sana magkaroon tayo ng masayang pamilya. Napakadrama ng sulat na ito pero nanggaling ito sa puso ko. Hindi ko kayang mabuhay sa kinabukasan ng wala ka. Ikaw ang pag-asa ko. You are my everything. You are my happiness. Ikaw ang kadramahan ko. Ikaw ang lahat-lahat sa akin. Ikaw 'yung tao na kumukompleto ng araw-araw ko kahit sa simpleng 'Just A Kiss' at I love you lang. Ikaw 'yung tao na palagi kong hahanapin at patuloy kong hahanapin. You are my security and peace. Hindi ako makapaniwala na may lalaki na akong mahal ngayon at sinusulatan ng love letter. Parang dati lang mag-isa ako, hopeless romantic at nangangarap ng lalaking magmamahal sa akin pero ngayon, may lalaki na akong mahal at kapag umaga, paggising ko meron akong sinasabihan na good morning at kapag gabi, goodnight at i love you. Meron akong lalaki na namimiss at meron akong lalaki na nag-aalaga sa akin.

Pasensya na sa inasal kong ugali sa'yo kahapon. Ako ang dahilan kaya napagod kang husto. Sorry mahal, hindi na mauulit. Mahal na mahal kita at tanggapin mo ang regalo ko sa'yo. You deserve it.

Infinite Love,
Kazrine ❤️

Pagkatapos kong magsulat ay inilagay ko na ito sa paperbag. Bumili na rin ako ng paperbag at nagtungo na sa bahay niya. Nang dumating ako ay tulog siya. Inilagay ko sa lamesa ang binili ko para sa kanya. Tumabi ako sa pagtulog niya at tinitigan ang kanyang mukha. Hinipo ko ang balat sa taas ng kanyang kilay at kiniss iyon.

Just A KissWhere stories live. Discover now