Chapter 47 (Birthday)

58 1 0
                                    

Halos hindi ko maigalaw ang binti ko. Gawa yata sa pagtakbo ko kagabi tapos naulanan pa ako. Masakit ang ulo ko at ang sakit ng buo kong katawan. Mainit ang pakiramdam ko. Hindi ako makatayo sa aking kama. Nasa pagpasok na sila mama. Wala si Aling Belen kasi andito naman na sila mama.

"Kazrine.." boses ni Aling Belen. Akala ko wala siya.

"Kain kana ng almusal. Sabi ng mama mo bantayan ko daw ikaw." Dagdag pa niya

"Aling belen!" Tawag ko at pumasok naman siya.

"Pakiabot naman po ng pain reliever."

"Anong nangyayari sa'yo, apo?" Nagpapanic na tanong niya.

"Masakit po ang binti ko." Hinipo niya rin ako.

"Nilalagnat ka rin." Sagot niya at kinuha na niya ang gamot at uminom na ako. Medyo nawala naman ang sakit.

"Kukunin ko lang ang pagkain mo. Dito kana kumain at pagkatapos uminom ka ulit ng gamot." Wika niya at tumango nalang ako.

Pagbalik niya ay kumain na ako at nagpahinga na. Natulog ulit ako. Pagkagising ko hapon na at nakarecieve ako ng text kay Ashly.

ASHLY: Asan ka na naman daw tanong ni ma'am.

KAZRINE: sorry kareply ko lang. Nilagnat kasi ako at sumakit ang binti ko.

Reply ko sa kanya. Medyo okay naman na ang pakiramdam ko ngayong hapon. Shit. Muntikan ko ng makalimutan. Tinawagan ko si Darren.

"Nagpunta na ba diyan si Jake?"

"Oo ma'am. Kagabi lang."

"Ngayong araw?"

"Hindi pa po."

"Ah okay."

Paano ako makakabili ng rose? Iisang tao lang ang naiisip ko. Si Jacob. Tinawagan ko agad si Jacob. Ayokong lilipas ang araw na ito na wala siyang natatanggap na rose. Kailangan kong makompleto yun.

"Hello, Jacob?"

"Yes. Kazrine?"

"Nasaan ka?"

"Katatapos lang ng klase namin e."

"Pauwi ka na ba?"

"Ahm. Oo. Bakit, Kaz?"

"Pwedeng favor?"

"Ano yun?"

"Ibili mo naman ako ng isang red rose sa flowershop."

"Okay."

"At pagkatapos lagyan mo ng sticky note tapos sulatan mo ng, Thank you for coming back. I love you to the moon and back. Tapos pumunta ka sa coffee shop at ibigay mo 'yung rose kay Darren at sabihin mo na ilagay sa table na pinaglalagyan ko ng bulaklak."

"Ah okay."

"Thank you ng marami, Jacob. Utang ko sa'yo ang araw na'to."

"Mahal na mahal mo talaga si Jake no?" Sbai niya at natawa nalang ako. Pinatau ko na ang tawag. Nakahinga na ako ng maluwag. Bumaba na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Uminom ako ng tubig.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Aling Belen.

"Okay na po ako." Sagot ko at umupo.

"Bakit po pala pinababantayan ako ni mama sa'yo?" Tanong ko.

"Baka sunduin ka daw ni Jake o puntahan ka daw ni Jake dito sa bahay. Sasabihin ko daw sa kanya." Sagot niya at binigyan ako ng sandwich na ginawa niya.

"Alam na nila?" Tanong niya at tumango ako.

"Hindi ko alam. Parang ang sama naman ng mundo sa amin ni Jake. Bakit ayaw nila kaming tanggapin?" Wika ko at kumagat sa sandwich.

Just A KissWhere stories live. Discover now