Chapter 44 (Going to places she doesn't want to go)

68 1 0
                                    

Nagtungo na kami sa bahay ng mga magulang niya at pagkarating namin ay agad na may sumalubong sa aming batang babae na wari ko'y Grade 11 student.

"Kuyaaaa!" Tawag niya kay Jake at yumakap ito.

"Namiss kita, Kuya. Ang tagal mong umuwi." Dagdag pa nito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng lalaki na wari ko'y ama niya.

"Baka may mga police na namang dumating at pagbantaan ang buhay namin." Dagdag pa nito at feeling ko'y ipinaparating niya na hindi kami welcome sa kanyang bahay.

"Aalis din po agad kami. Ipapakilala ko lang sa inyo ang asawa ko." Wika ni Jake.

"Asawa?" May dumating na babae at wari ko'y ito naman ang kanyang ina.

"Siya ba?" Wika niya at lumapit sakin at niyakap ako.

"Mukhang bata pa siya. Ilang taon kana?"

"Pa-twenty palang po." Sagot kom

"Alam ba ng mga magulang mo kung sino ang asawa mo?" Tanong ng kanyang ina subalit hindi ako makasagot. Napatingin ako kay Jake. Hinawakan niya ang kamay ko at lalakad na sana kami nang tawagin siya ng kanyang ina.

"Emille." Wika niya at niyakap si Jake.

"Mag-ingat ka palagi ha. Kahit na ang tagal mong hindi umuuwi dito sa bahay, wag mong isipin na nakalimutan ka namin. Araw-araw kong ipinagdarasal ang kaligtasan mo, anak. Mahal na mahal ka namin." Sabi ng ina ni Jake at walang salitang hinigit niya ako papalabas ng bahay.

"Kuyaaa." Tawag sa kanya ng batang babae. Lumapit si Jake dito at hinalikan siya sa noo.

"Okay lang ang kuya. Mag-aral kang mabuti ha." Sabi ni Jake atsaka nagpatuloy na kami sa paglalakad. Tahimik lang kami habang naglalakad pauwi at kita ko ang pagbubulungan ng mga taong nakakasalubong namin hanggang sa makarating na kami sa bahay.

"Bakit hindi mo man lang sila kinausap? I mean, yung mga magulang mo." Tanong ko pagkarating namin sa bahay. Naupo kami sa couch at niyakap ko siya para icomfort.

"Okay na 'yung naipakilala kita sa kanila." Sagot niya.

"Atsaka wala naman na akong sasabihin sa kanila." Dagdag pa niya at dinig ko ang pagbuntong hininga.

"Hindi ka nalulungkot?" Tanong ko sa kanya. Nalulungkot ako kase ganoon ang pakikitungo sa kanya ng papa niya na animo'y hindi na niya anak si Jake.

"Hindi. Basta kasama kita mahal. Hindi ako malulungkot." Sagot niya at napangiti naman ako.

///////////

Two weeks have passed. Almost one month na akong absent sa school. Malapit na ang birthday at 9th monthsary namin ni Jake. Ngayong araw na ako magsisimulang bigyan siya ng rose. Bale dapat may 15 roses akong ibibigay sa kanya pagdating ng monthsary namin kung pagsasamahin lahat. Nagtungo ako sa market-market at bumili ng isnag pirasong rose.

"Bakit iisa lang ito ma'am?" Tanong ng tindera.

"Sa isang araw bibigyan ko ang asawa ko ng rose hanggang dumating na ang date kung saan sinagot ko siya." Sagot ko at ngumitu sa kanya.

"Ang sweet mo naman, ma'am." Wika ng tindera at binayaran ko na ang rose.

"May sticky note ka ba at ballpen?"

"Meron po." Sagot ng tindera at inabot niya sa akin. Anong isusulat ko? A quote? A poetry?

You and me
Against the world
Together we run away
It is the only choice we have,
Escaping from reality,
I could run away with you forever,
Even if it's outside the Earth,
Even if we lost in the milky way
And found by the asteroids, meteors
And comet,
We stayed in the house of the Universe,
And the stars and moon who look on us,
Will protect us from falling into black hole.

Just A KissDär berättelser lever. Upptäck nu