Chapter 31 (The News)

74 1 0
                                    

Nasa coffee shop kami ngayon at tinatanong ko pa rin siya tungkol sa sarili niya.

"Nasaan na ang pamilya mo, Emille?" Tanong ko.

"Wag mo akong tawaging Emille."

"Bakit?"

"Old school." Sagot niya at natawa ako.

"Old school ka naman talaga." Sagot ko at natahimik siya. Di benta ang joke ko sa kanya.

"Saan mo nakuha ang pangalan na Jake?"

"Sa twilight." Bigla kong naibuga sa kanya yung iniinom kong kape.

"Sorry. Sorry. Natawa lang ako bigla." Sabi ko habang pinupunasan siya.

"Hindi ko alam na nanonood ka pala ng twilight." Natatawa ko pa ring sabi.

"Bakit hindi Edward ang pinili mo?" Tanong ko.

"Feeling ko ako si Jacob Black. Matikas ang katawan. Moreno. Nagmamahal sa hindi mahal." Sagot niya at sinubuan ko siya ng cake.

"Mahal kita, Jake." Sabi ko at ngumiti.

"Back to the question, nasaan na ang pamilya mo Jake?"

"Nasa zambales sila. Nagpupunta lang ako doon kapag death anniversary ni lola. Hindi ako pwedeng magstay doon ng matagal. Masaya naman ang pamilya ko kahit wala ako, sanay na sila. Parang patay na rin ako para sa kanila at para na rin sa kaligtasan nila, ako na mismo ang lumayo." Sagot niya at ramdam na ramdam ko ang kalungkutan sa boses niya.

"Si lola nalang ang tinuturing kong pamilya. Siya ang nag-alaga sa akin mula pagkabata ko. Hindi ko alam na patay na siya. Nalaman ko lang noong umuwi ako sa Zambales, noong hinahunting na rin ako ng mga kasamahan ko. Pagkatapos nun kung saan-saan na ako nakarating. Naghanap ng trabaho kung saan walang makakakilala sa akin hanggang sa mahanap ko ang daan patungo sa'yo." Dagdag niya.

"Nasa hukay ang isa kong paa, Kazrine. Paano ka kapag nahuli ako ng mga police?" Tanong niya at pinatigil ko siya sa pagsasalita sa pamamagitan ng paglapat ko ng hintuturo sa labi niya.

"Hindi natin hahayaang mangyari 'yun. Isang taon nalang gagagraduate na ako. Gusto ko itanan mo na ako. Magpapakalayo-layo tayo." Sabi ko at natawa siya. May nakakatawa ba sa sinabi ko? O sadyang napaka imposible ng sinabi ko?

"Bakit?" Tanong ko.

"Sana ganun lang kadali yun no? Kapag ginawa ko yun lalong madadagdagan ang kasalanan ko. Either child abuse o kidnapping."

"Pero willing naman akong sumama sa'yo. Magkakaroon ka lang ng kasalanan sa batas kapag pinilit mo ako. Willing ako, Jake. Willing akong sumama sa'yo kahit anong oras." Sabi ko subalit tumungo lang siya.

"Paano ang mga magulang mo? Nag-iisa ka lang nilang anak, hindi sila papayag sa gusto mo o natin at isa pa, police ang papa mo, hindi lang siya police, chief of police siya." Wika niya.

"Wala akong pakialam. Nag-iisip ba ng matino ang nagmamahal? Gusto kong makasama ka habang-buhay. Is that enough reason?" Sagot ko na nangungunot ang noo.

"Gaano ka kasigurado sa akin?" Tanong niya.

"Don't doubt yourself. Wag kang maghesitate sa pagmamahal ko sa'yo. Totoo lahat ng mga sinasabi ko sa'yo at nanggagaling yun sa puso ko." Sagot ko.

"Hindi mo ba naiisip na sa likod ng pagliligtas mo sa akin, oras na para suklian ko 'yun ng pagmamahal?" Dagdag ko.

"Tanggapin mo nalang at tingnan natin kung anong mangyayari." Dagdag kong muli.

"Magtiwala tayo sa pagmamahal natin." Sabi ko at hinawakan ang kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa. Tumayo ako at lumiyad para halikan siya sa labi.

Just A KissWhere stories live. Discover now