Chapter 57 (Finding myself)

70 3 3
                                    

"Ahh." Sabi ko pagkatapos uminom at umip-ip sa sigarilyo.

"10 beer please." Sabi ko sa bartender at binigyan naman niya kami.

"Sam, bakit hindi ka umiinom?" Tanong ko

"Hindi kasi ako umiinom." Sabi niya.

"Naku. Madali lang uminom. Iinumin mo lang 'yan. Wag mong isipin ang lasa. Wag kang gumaya sa iba na namatay na lahat-lahat, hindi pa alam ang lasa ng alak." Sabi ko at inilagay sa kamay niya ang beer. Ininom naman niya iyon at napapikit siya.

"Ang pait." Sabi niya.

"Parang buhay." Dagdag ko at natawa sila. Naubos ko na ang isang kaha ng sigarilyo.

"Darren, pakibili nga ako ng sigarilyo. Isang kaha ulit. Malboro lights at candy na frutos." Utos ko sa kanya at sinunod naman niya.

"Tama na 'yan, ma'am."

"Wag mon a akong tawaging ma'am. Kaz nalang." Sabi ko

"Baka hinahanap kana ng mama at papa mo sa inyong bahay." Wika niya

"Wala akong pakialam." Sabi ko at medyo nahihilo na ako. Naubos ko na ang beer na inorder ko kanina at maya-maya'y dumating na si Darren. Agad kong binuksan ang sigarilyo at sisindihan na sana nang bigla itong agawin sa akin ni...Jacob.

"So, what's up Jacob?"

"Tumayo ka at iuuwi na kita." Hahawakan niya sana ako pero pinigilan ko siya.

"No. I'm staying here. Samahan mo nalang kami uminom." Sabi ko at naupo siya sa tabi ko.

"Ma'am Kaz, mauna na kaming umuwi ni Sam. Nahihilo na din kasi siya eh." Paalam ni Darren

"Okay. Ingat pauwi." Sagot ko

"Jacob, ikaw na ang bahala sa kanya." Bilin naman ni Darren sakatabi ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Cheers!" sabi ko at napapapikit na ang aking mata dahil sa hilo. 20 beers down. Kaya ko pa pero umiikot na ang paningin ko. 30 beers down. Tuluyan na akong bumagsak.

Nagkamalay ako nang ibinaba ako ng isang lalaki sa kama. Nakikita ko si Jake at aalis n asana siya ng abutin ko ang kamay niya.

"Jake." Tawag ko sa kanya at hinigit siya papalapit sa akin at hinalikan.

"Miss na miss na kita, Jake." Wika ko at hinubad ang aking t-shirt at maya-maya'y muli na akong bumagsak.

Kinabukasan, ay nagising akong masakit ang aking ulo. Agad akong nagtungo sa CR at sumuka nang sumuka at nang pagkaharap ko sa salamin ay doon ko napansin na wala pala akong t-shirt. Hindi ko na maalala ang nangyari kagabi. Basta ang alam ko lang dumating si Jacob sa Bar. Napasabunot ako sa aking buhok at napatitig sa salamin. Namumuo ang luha sa aking mga mata hanggang sa tumulo ito. Napaupo ako sa sahig at naalala kong wala na nga pala si Jake.

Naligo na ako at pagkatapos ay pumasok na.

"Kumain ka muna ng almusal, Kazrine." Wika ni Aling Belen

"Sa school nalang ako kakain." Sagot ko atsaka nagpatuloy na sa paglalakad palabras ng bahay.

Kumakain ako sa canteen nang makita ko si Jacob.

"JACOB!" tawag ko sa kanya. Lumapit naman siya sakin.

"Anong nangyari kagabi? Ikaw baa ng naghatid sa akin?" Tanong ko

"Ah. Yep." Sagot niya

"May nangyari ba satin.?" Tanong ko at naibuga niya sa akin ang yakult na iniinom niya.

Just A KissDär berättelser lever. Upptäck nu