C H A P T E R 1

2.9K 76 5
                                    

Chapter 1

"ABIGAIL!" Dahil sa sigaw na yun ay madali akong bumangon at nag-ayos ng kama

"Po?" Tanong ko kay Aling Belen.

"Mag-asikaso ka na nga at baka mahuli ka sa iyong klase." Sigaw niya sa baba.

"Oho!" Balik kong sigaw at dumiretso sa banyo at naligo. Sabon dito, shampoo doon. Kuskos dito, buhos doon at tapos na.

Nagbihis agad ako at bumaba para pumunrang kusina.

"Jusko kang bata ka. Ano ba iyang suot mo?" Tanong ni Aling Belen at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Okay naman po 'tong suot ko ah?" White T-shirt, mahabang palda, salamin at medyo magulong buhok hehe.

"Magsuklay ka nga, ako ang naaalibadbaran sa iyong suot at ayos." Parang stress na stress na sabi niya at kumuha ng suklay. Buti na lang doon sa pinapasukan ko walang school uniform.

Si Aling Belen ang nagsuklay sakin at ako naman ay kumain na para makapasok agad.

"Buhok pa ba ito? Daig pa ito ng pugad ng ibon. Kailan ka ba huling nagsuklay, bata ka?" Sabi niya at pilit sinusuklay ang matigas kong buhok.

"Hindi naman po ako nagsusuklay." Simpleng sabi ko at nakaramdam ako na may humampas sa ulo ko. "Manang Belen naman eh." Sabi ko at kinamot yung hinampas niya ng suklay. Brutal din nito ni Aling Belen eh.

"Jusko parang hindi ka babae, hala siya tumayo ka na riyan at umalis ka na." Sabi niya at niligpit ang pinagkainan ko.

"Bye Aling Belen, alis na po ako." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Smile na Aling Belen, lalo kang tatanda niyan." Sabi ko at bahagyang tumawa.

"Aba't niloko pa ko." Sabi niya at akmang papaluin ako pero tumakbo agad ako sa bungad ng kusina.

"Bye Aling Belen! Diretso po ko sa karenderya mamaya pag-uwi." Sabi ko at lumabas na ng bahay.

Unti-unti nawala ngiti ko at napabuntong hininga. Unang araw ng klase, ano naman kaya ang gagawin nila sakin? Hintayin ko na lang kaya mag bell bago pumasok?

Hindi bale, dalawang taon na lang. Dalawang taon na lang ako magtitiis. Kaya ko 'to, fighting!

Dahil walking distance lang naman, nilakad ko na. Sayang din pamasahe katorse din yun, pang RC at chichirya din yun.

Pagtapos ng ilang minuto ay nasa tapat na ko ng gate ng school, kabado man pero kailangang pumasok. Jusko, sana naman taympers muna sa pambu-bully.

Pero mukhang malabo mangyari 'yon dahil alam kong may balak na naman sila, ang tahimik kasi kaya hinanda ko na lang ang aking sarili. Masyado naman nila 'kong namiss tsk.

Maya-maya pa ay may bumuhos ng harina sa akin, pag katapos ay binato naman nila ko ng itlog. Wengya, grabeng labahan na naman ito. May naramdaman akong bumuhos sa'kin at gatas iyon. Sheeet, nahiya pa silang i-bake ako. Asan ba oven? Ako na maglalagay sa sarili ko.

"Oh, the nerd is here. How are you, nerd? It's been a while. Alam mo ang boring ng bakasyon ko kasi wala akong mapagtripan." Sabi ni Marga sakin. Natawa naman ako ng konti.

"Sorry 'di ko alam eh, sana tinext mo 'ko para 'di ka na bored." Sarcastic kong sabi at ngumisi. Tinanggal ko ang salamin ko at nakita ang pulang-pula niyang mukha.

"Matapang ka na ah? Sumasagot ka pa!" Sabi niya at sinabunutan ako, feeling ko namanhid ang anit ko dahil dun.

Hinayaan ko lang siya hanggang sa siya na ang bumitaw sa buhok ko. She crossed her arms to her chest at mataray na tumingin sa'kin.

"Hindi pa tayo tapos. We still have the whole school year, nerdy. Be ready." Sabi niya at umalis na kasama ang mga alipores niya na kala mo ang gaganda make-up lang naman nagdala. 'Di ko na lang pinansin ang banta niya dahil sanay na 'ko, ganun din naman nangyari last year.

Umalis na rin ako do'n at pumuntang locker at nilabas ko ang extra white shirt ko at pantalon na medyo loose. Okay na siguro to.

Nagbihis at pumasok ako sa klase ng nakayuko, as usual first  day kaya puro pagpapakilala. Narinig ko ang tunog ng bell, recess na pala. Hinintay kong makalabas silang lahat bago ko kinuha ang sandwich na baon ko at nakinig sa music habang nakatanaw sa labas. At last, peacefulness.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now