C H A P T E R 30

887 37 0
                                    

Chapter 30

Umuwi ako ng may ngiti sa labi. Nakita naman ako ni Manong Guard at binuksan niya agad ang maliit na gate.

"Oh, Abi hija. Mukhang masaya ang araw natin ngayon ah?" Nakangiting salubong ni Manong. Nginitian ko naman siya pabalik.

"Oo nga po manong eh, ang saya kasi ng foundation week." Todo ngiting sabi ko.

"Mukha nga. Bakas sa iyong mukha ang kagalakan. Pumasok ka na at kumain. nasa loob sila ma'am at sir, kasama ang mga binata." Imporma ni manong. Tumango naman ako at ngumiti.

"Ikaw po ba manong kumain na?" Tanong ko

"Oo, tapos na kami kaya duty naman. Hala, sige na." Sabi ni manong kaya tumango at kumaway kay manong.

"Sige po, manong. Bye!" Kumaway rin pabalik si manong. Tumalikod na ko at tumakbo papasok sa bahay.

Pag pasok ko sa bahay ay nakita ko agad si Aling Belen.

"Hi, manang. Good afternoon po." Bungad ko kay manang. Ngumiti naman si manang sakin.

"Magandang hapon, hija. Magbihis ka na at dumiretso sa dining area. Ikaw ang hinihintay ng mag-asawa roon. Giliw na giliw sayo ang mag-asawa na iyon, ano?" Ngumiti naman ako ng malaki kay manang.

"Ganun din naman po ko ko sa kanila eh. Parang ang gaan-gaan po sa pakiramdam pag kasama sila." Malawak na ngiti ang pinakita ko kay manang. Malawak din ang ngiti na pinakita ni manang.

"Kung alam mo lang." Bulong ni manang na di ko naintindihan.

"Ano po iyon, manang?" Tanong ko at tinitigan si manang.

"Wala. Ang sabi ko magbihis ka na at gumayak sa dining area." Paalala ni manang.

"Oo nga po pala. Sige po!" Tumakbo na ko papunta sa maid's quarter at agad na nag linis ng katawan at nag bihis ng pyjama at big size shirt. Narinig ko ang ingay sa labas ng dining area at pagpasok ko ay napatigil sila at biglang tumawa ang limang lalaki.

"Bakit?" Takang tanong ko. Tinignan ko ang mukha ko sa malapit na salamin wala namang dumi mukha ko. Napansin ko namang mas natawa sila.

"You look like a post with big size shirt." Sabi ni Kuya Aidrian.

Napasimangot naman ako at naiiyak na tinignan sila. Agad naman silang huminto sa pang-aasar at pagtawa. Mukha rin silang nataranta.

"'Di ko kayo bati!" Sabi ko at tumakbo na paalis sa dining area. Rinig ko pa ang tawag nila sakin pero di ko pinansin at takbo ang ako ng takbo at doon ko lang napansin na sa taas pala ko nakapunta at library pala ang aking napasukan.

Nilibot ko ang paningin ko at parang umurong ang mga luha ko sa nakita ko at napalitan ito ng ningning dahil sa dami ng libro. Hinawakan ko ang spine ng bawat libro at hindi sinasadya na natulak ko ang isa. Nagulat naman ako ng biglang umusog paloob ang isang shelf at bumukas na parang pinto. Wow!

Pumasok ako sa loob at mukhang lagi ring nililinis 'to dahil wala akong maamoy o makitang isang alikabok. Malamig din sa loob. Mas maganda dito kaysa sa labas, medyo malaki rin at may mga librong novel. Kumuha ako ng isa at Nakita kong The Fault In Our Stars ito. My favorite!

Umupo ako sa isang sofa bed at doon nag basa hanggang sa hindi ko namalayang nakatulugan ko na ang pagbabasa.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum