C H A P T E R 18

1K 54 3
                                    

Chapter 18

Nagising ako nang maramdaman na may kamay na marahang humahaplos sa buhok ko. Kaya napa-angat agad ulo ko at nakita ko si Mrs. Nakahara.

"Nagising ba kita?" Nakanguting tanong ni ma'am Airene.

"Naku, hindi po. Nakatulog po pala ko dito hehe." Alanganin kong sabi at medyo inayos ang gamit kong medyo kalat-kalat.

"Ang sipag mo naman, katulad ka ng mga anak ko." Ngumiti ulit siya.

"Kailangan ko pong magsipag eh." Sabi ko at ngumiti.

"Bakit?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Para po umangat ako sa buhay, umangat kami ni Aling Belen. Panalo ko po kasi na ititira ko siya sa mansyon na kasing laki po ng bahay niyo." Masigla kong sabi at nakangiti pa.

"Sobrang close mo kay manang Belen 'no?" Nakangiti ulit niyang sabi.

"Opo, siya na po kasi nag-alaga sakin simula nung iwan ako nila mama." Malungkot sa sabi ko.

"Iniwan ka nila?" Malungkot na tanong niya.

"Opo, nakita daw po kasi ako ni Aling Belen sa tabi ng simbahan. Hindi ko nga rin po alam kung hinahanap nila ko or nakalimutan na po nila ko." Natawa ako pero halata mo ang lungkot. Hinaplos naman niya ang buhok ko. Ramdam ko ang pag-iingat doon.

"Sigurado ako hinahanap ka na nila kasi walang magulang ang gustong malayo sa kanilang anak. Ang hirap malayo sa anak mo, sobrang hirap. Lalo na ko, iniisip ko kung nasaan na ba siya? Kung maayos ba siya? Kung nakakakain ba siya?" Nakangiti pero may lungkot ang matang sabi ni ma'am Airene. Kaya niyakap ko siya para kahit papaano ay gumaan ang kaniyang nararamdaman.

"Makikita niyo rin po siya, malay niyo nandyan lang siya sa tabi-tabi. Be positive lang po, mahahanap niyo rin siya. I'm sure po na miss na miss na niya kayo at nasa maayos siya na kalagayan." At humiwalay na ko sa yakap. Ngumiti naman siya.

"Tara na po ma'am. Late na po, kailangan niyo na pong magpahinga. Maaga pa po kayo bukas." Nakangiti kong sabi habang inaayos ang gamit ko. Pagtapos ay tumayo at tumingin sa kaniya.

"Salamat hija." Sabi niya ng nakangiti rin.

"Naku wala po 'yon. Sabay na po tayong lumabas?" Tumango naman si ma'am Airene at sabay na kami lumabas.

"Sleep well, I had a great time talking to you. Thank you for listening, hija." Nakangiti niyang sabi kaya napangiti rin ako.

"Thank you po. Sige na po akyat na kayo, maaga pa po ata kayo bukas eh." Sabi ko ng may ngiti.

"Oh siya sige. Matulog ka na rin, ika'y may pasok pa bukas." Tumango na lamang ako, ngumiti uli siya at umakyat na. Pinagmasdan ko ang likod niya hanggang sa mawala na.

Ang hirap talagang malayo sa anak at sa magulang. Parang ako, hindi ko naramdaman ang haplos ng aking ina at ama pero ayos lang, dahil nandyan si Aling Belen para punan ang mga pagkukulang na 'yon pero minsan hindi sapat pero ayos na.
Nakangiti akong pumasok sa kwarto namin ni Aling Belen at maingat ang bawat galaw na inayos ang gamit. Pagkatapos ay tumabi sa kama kay Aling Belen at hinalikan pisngi niya bago ako pumikit at nagdasal bago matulog.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now