C H A P T E R 28

857 46 1
                                    

Chapter 28

Nakita kong may tumapik kay Kallix at tinuro pwesto ko. Bigla siyang tumayo at lumapit sa coach nila at may sinabi.

"Tama ba yung nakita ko, Abi? Tinuro ka lang tapos naging energetic na?" Puna ni Gail. Agad naman akong pinamulahan. Tinusok-tusok naman ni Lian tagiliran ko.

"Kayo ah? Anong meron sa inyo?" Usisa ni Lian. Kailan pa naging chismosa 'to?

"Wala ah. Ang issue niyo. Baka hindi ako yun, ang dami-dami babae dito oh." Pag-iiba ko. Paepal ka talagang tukmol ka.

"We know what we saw, Abi. Kwento ka pag kayo na ah?" Natatawang sabi ni Gail na inungusan ko lang. Mga chismosa eh wala naman talagang something samin ng tukmol na yan,

Narinig namin ang pito ng referee at umpisa na ang 4th quarter at biglang nag-ingay lahat dahil pumasok na si Kallix. Unang minute pa lang ay nakapuntos na agad sila Kallix dahil sa kaniya.

Sa kalagitnaan ng laro ay nahahabol na nila ito 94-89. Halos dikit na ang laban at panay ang puntos ni Kallix na akala mo ay nagpapakitang gilas. Pero in fairness, ang galling nga niya kaya siguro siya MVP.

Sa huling minute ng laro ay tense na lahat dahil isang puntos na lang ang lamang ng kalaban. 100-99

Sa huling segundo ay sinubukan ni Kallix pumuntos ng tres at pasok bago pa man maubos ang oras at nung marealize ng mga students sa school namin ay nakakabinging sigawan ang maririnig sa loob ng coliseum. Natapos ang laro sa score na 102-100.

Kahit itong dalawang katabi ko ay kanina pa tili ng tili. Habang busy ako sa pagtakip ng tainga ko dahil sa sobrang ingay ay may Nakita akong sapatos sa harap ko at unti-unti akong tumingin pataas na parang sa pelikula.

"Ayos ba?" Nakangising sabi ni Kallix na pawis na pawis.

"Bakit nandito ka? Ang baho mo, puro ka pa pawis." Ngunit ang loko wala atang narinig tumabi sakin at inakbayan ako.

"Kahit pawis ako mabango ako." Aroganteng sabi niya.

"Lumayo ka nga. Kadiri pawis mo."Ako na mismo ang umatras at tummabi ulit kanila Gail at Lian na binibigyan ako ng makahulugang tingin.

"Tara na nga Lian at Gail." Pag-aaya ko at nauna na mag lakad.

"Sabihin mo lang speechless ka sa galling ko." Sigaw niya. Nilingon ko naman siya at huminto saglit.

"Mayabang!" Sabi ko at binelatan siya bago tinalikuran at nauna ng umalis.

Pag labas na pag labas naming tatlo ay agad ako tinusok sa magakbilang tagiliran ko ni Gail at Lian.

"Wala pa lang something ah. I smell something fishy. Give it a week or two, aamin yan sa'yo." Sabi ni Lian, pag ito pa naming babae na 'to ang nag sabi nag kakatotoo.

"Manahimik nga kayong dalawa, walang meaning 'yon 'no. Mapang-asar lang talaga siya." Pangongontra ko.

"Deny it all you want. We know what we saw. And as far as I know, 'di siya ganun kalapit sa mga inaasar niya. Sa'yo lang." Makahulugang sabi ni Gail na inilingan ko lang.

"Bahala kayo." I shrugged at inaya na sila sa mga booth.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now