C H A P T E R 17

1.1K 58 7
                                    

Chapter 17

Break time na at nasa pwesto ako kung nasaan kami tuwing break time. Medyo tago dito, baka dito hindi nila ko makita. Sana. Buti nag baon ako. Nakikinig ako ng music habang nakain at habang nakatingin sa labas, gamit ko 'yong iPod na regalo sa'kin nila Gail at Lian.

Ramdam ko na may parang nasa gilid ko pero binalewala ko kasi baka dadaan lang. Pero nagulat ako ng may humila ng earphone ko kaya masama ko itong tinignan, siya na naman?!

"Ano ba?!" Galit na sabi ko.

"Hindi mo kasi ako naririnig eh." Parang wala lang na sabi niya. Hinablot ko naman ang earphone ko.

"Malamang naka earphone, paano kita maririnig? Duh. 'Yong utak ah?Ano bang problema mo?" Inis na tanong ko. Istorbo. Kala ko pa naman magiging tahimik ako rito jusko.

"Ikaw." Sabi niya.

"Anong problema mo sakin?" Inis ulit na tanong ko.

"Kala mo nakalimutan ko na yung kanina? You'll pay for that." Sabi niya at umalis na. Medyo kinabahan naman ako dun, new bully. Nawala nga si Marga siya naman papalit? Can't this school year be peaceful just for once?! My gawd.

Speaking of Marga, kanina ko lang nalaman na nasa US pala siya. Buti na yun kaysa maulit yung nangyari nung isang linggo. Hanggang ngayon pinapanalangin ko na sana hindi na siya makabalik.

Pumasok na ko sa last subject namin at hindi na mapakali sa upuan ko. Gusto ko ng umuwi. Nang mag ring ang bell ay ako na ang naunang lumabas at naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Buti nakasakay agad ako at buti hindi masikip sa sinakyan ko. Kahit malapit lang sinakay ko na, mamaya magkasalubong pa kami.

Ayaw ko kasi talaga makasabay ang mayabang na yun. Pero good luck na lang sakin bukas dahil alam ko na ang mangyayari.

Nang makarating ako sa mansyon ay nagpahinga muna ko at nagpalit bago lumabas para tumulong kanila Aling Belen.

"Sigurado ka ba na ayos ka na? Wala na bang masakit sa'yo o ano?" Pang-ilan na yan ni Aling Belen.

"Oo nga po. Promise, magsasabi naman po ko pag hindi." Nakangiti kong sabi na parang ina-assure siya.

"Sige ihanda mo na ang mesa." At ginawa ko nga. Tinawag ko na rin sila ma'am Airene at sir Aion pati ang anim na lalaki.

Pagkatapos ko silang tawagin ay kinuha ko ang mga gamit ko at umupo ulit sa pinagkainan ko dati kahit mataas ay pinilit kong tumuntong gamit 'yong technique na ginawa ko para makababa at nagsimula ng gumawa ng assignment. Lahat pala ng subject meron, pero kaya yan.

Hanggang sa natapos ng kumain ang pamilya at nakapagligpit na sina Aling Belen ay nagawa pa rin ako.

"Pagkatapos mo dyan, sumunod ka na ha?" Sabi niya.

"Opo. Malapit na rin naman po 'to eh." Sabi ko at bumalik sa pagsusulat. Pinatay na ni Aling Belen ang ilaw pero may natira sa part ko. Ako na lang magpapatay.

Malapit na, nag-unat muna ko at tumungo at pumikit. Idlip muna 'ko nang saglit. Saglit na saglit lang talaga. Hanggang sa hindi ko namalayang doon na pala ko nakatulog at nahulog sa magandang panaginip.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now