C H A P T E R 39

839 35 0
                                    

Chapter 39

Ngayon na ang araw ng christmas party. Sigurado akong nag hahanda na rin sila Gail at Lian. Mamayang 7 ako pupuntahan ni Kallix at 6:00 pa lang. Kaya naligo na ko at talagang nag kuskos yung tipong matatanggal na ang balat.

Medyo nag madali ako dahil 6:30 na masiyado yata akong natagalan sa cr. Kaya naman dali dali akong nag bihis. Nag lagay ako ng liptint, pang kilay at mascara at pulbo. Yun lang at flat shoes. Tinignan ko saglit ang mukha ko sa salamin at ng makitang presentable na ko ay lumabas na ko.

Nasabi ko na ba na doon din nag-aaral si Aislinn? Kung hindi pa now you know.

Pag labas ko ay sinalubong ako ni manang, malaki ang ngiti niya sakin.

"Napakaganda mo talaga kahit ang simple ng ayos mo. May susundo n ba sayo?" Ngumiti ako at tumango.

"Susunduin po ko ni Kallix. Hihintayin ko na po sana sa labas." Tinignan ako ni manang na parang tinutukso kaya ramdam ko ang pagpula ng mga pisngi ko.

"Oh, siya sige na. Gumayak ka na at baka mahuli sa party. Siguradong maganda rin ang dalawa mong kaibigan. Ikumusta mo ko sa kanila ah?" Tumango ako at hinalikan na sa pisngi si manang bago nag paalam.

Malaki naman ng ngiti ni manong Edgar sakin, yung gwardiya sa gate.

"Kay gandang bata." Pag puri niya sakin na tinawanan ko.

"Bolero ka talaga, manong." Natatawang sabi ko. Binuksan naman niya ang gate at ngumiti sakin.

"Aym telling da trut, paks onleh." Nag tawanan kami dahil sa sinabi niya.

"Naku, ikaw talaga manong, sige na po. Baka malapit na sundo ko eh." Pag papaalam ko. Sinaluduhan naman niya ko bilang pag papaalam.

Nag hintay ako sa labas. Chineck ko muna ang oras at 6:55 pa lang naman. Alam ko ay nauna na rin doon si Aislinn.

Naghintay pa ko ng ilang minuto at pag tingin ko sa orasan ay 7:20 na binalak ko pa sana mag hintay kaso baka hindi na dumating. Labis na lungkot ang naramdaman ko kaya nag laakd na lamang ako.

Pag dating ko roon ay nakita kong masaya ang lahat dahil nag sisimula na ang party. Hinanap ko sila Lian at Gail at nakita kong kausap nila si Aislinn. Mukhang masaya naman sila kaya di ko muna ginulo.

Maya maya pa ay aplitan ng slow music ang kanta, aksidenteng tumama ang mata ko sa dance floor kung saan nandun si Aislinn at Kallix. Parehas na nakangiti sa isa't isa.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko at maluha luha habang nakatingin sa kanila ng biglang may nagtakip sa mata ko.

"Huwag mong tignan kung nasasaktan ka." Bulong sakin ng nag takip sa mata ko. Tinanggal ko ang kamay niya at nakita kong si Nicholas ito. Kaibigan ni Kallix.

"Bagay na bagay sila ano?" Pilit na tawa ang pinakawalan ko at may isang butil ng luha na tumulo na agad kong pinunasan. Habang nakatitig sa dalawang taong parang sila lang ang nasa gitna.

"Mahal mo na?" Napatango ako habang naiyak. Pinunasan nman niya ito gamit ang kamay niya.

Nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya at doon umiyak. Hinaplos naman niya ang buhok ko.

"Tahan na. Tara para malaman mo ang totoo." Nakayukong nag pahila ako kay Nic.

Napadpad kami sa madilim na lugar at narinig ko ang dalawang taong nag-uusap.

"Paano yung nerd? Di ba nililigawan mo yun?" Alam kong si Aislinn yun.

"Hindi totoo yun. Pustahan lang ang lahat. Nachallenge ako eh kaya triny namin ng mga kaibigan ko." Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Nic at pinigilang may lumabas na hikbi.

"Really? So you do love me?" Nakakaakit na sabi ni Aislinn.

"Yes." Sagot agad ni Kallix.

Hindi ko na alma kung anong susunod na nangyari dahil nahirapan akong huminga at kalaunan ay nawalan ng malay.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now