C H A P T E R 35

866 38 1
                                    

Chapter 35

Gabi na nung ginising ako ni Manang at tinawag para kumain.

"Naku kang bata ka, hindi ka nag palit ng damit mamaya magkasakit ka. Hala, mag linis ka na at ng makakain ka na at makapag pahinga ka na." Niyakap ko naman si Manang at hinaplos niya buhok ko.

"Naku nag lalambing ka na naman." Natatawang sabi ni manang

"Alam mo manang ang swerte ko kasi sayo ako napunta. Kahit hindi mo ko kamag-anak inalagaan at pinaaral mo ko." Tumingala ako sa kaniya at ngumiti. Binigyan naman niya ko ng malaking ngit.

"Lahat gagawin ko para sayo. Para na rin kitang tunay na apo." Hinalikan naman niya ang ulo ko kaya hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.

"Sige na, hinihintay ka na rin nila ma'am Aireen." Sabi niya kaya humiwalay ako sa kaniya at tinignan siya.

"Pwede po bang ikaw muna ang kasabay ko ngayon?" Nakangusong sabi ko sa harap ni manang.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"Wala lang po, namimiss ko na pong kasabay ka kumain eh."

"Oh, sige. sasabihan ko sila ma'am Aireen. Mag linis ka na." Tumango na lang ako at agad na nag linis at nag bihis ng pantulog. Nareview ko na naman lahat para sa subject bukas. Bukas na lang ng umaga ulit.

Pagtapos ko ay agad naman akong umunta ng dining para batiin sila ma'am bago sumalo kanila manang.

"Good evening, wonderful family." Yun ang tawag ko sa kanila. Natawa naman sila sakin at binati rin ako.

"Nasabi na samin ni manang. Sige na, punta ka na sa kanila." Nakangiting sabi ni ma'am Aireen kaya nag paalam na ko at pumunta kanila manang. Masaya kaming kumain at nag kwentuhan na sinamahan ng tawanan.

Aireen's POV

"Look at her, hon." Sabi ko kay Ainon na nasa tabi ko. Agad naman siyang tumingin sa tinitignan ko. Ganun din ang aking mga anak.

"She looks genuinely happy with her simple life." Nakangiting sabi ng asawa ko and I totally agreed with him.

"She really has a thing with oldies. Siyang siya rin ang ibang kasambahay sa kaniya dahil sa pagiging bungisngis." Sabi ko habang nakangiting nakatingin kay Abigail na tumatawa habang nakikipag kwentuhan kanila manang.

"I wish she was really her." Medyo naluluha kong sabi agad naman akong inalalayan ni Ainon.

"We will know it soon, okay?" Pag a-assure ng asawa ko sakin.

"Sana nga, sana." Piping panalangin ko na sana nga siya na.

Kumain kaming tahimik lahat at malalim ang iniisip at alam kong nagdadasal din sila.

Someone's POV

So she is finally with them eh? I have to do something about it. Masisira lahat pag nalaman nila ang tunay na katauhan ng babaeng yun. Hindi sila pwedeng maging masaya. Kung miserable ako dapat din ang pamilya nila.

Hindi ko sila hahayaang mabuo, magiging sira sila katulad ko.

Napangisi ako dahil sa mga planong nabubuo sa isip ko kung paano sila sisirain. Nakatakas man siya sa poder ko, hindi ko hahayaang maging masaya siya. Bwiset kasi na katulong yun eh.

Tumayo ako at tumingin sa labas ng building ko. Babagsak din kayo.

A/N: Sorry po kung lame ang updates. Medyo sabaw na ko at malapit na rin ang pasukan namin. Kung matagalan man ang update ko alam niyo na po ang reason. Marming salamat po. Keep reading, sharing voting and commenting!

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now