C H A P T E R 37

832 32 1
                                    

Chapter 37

Pag-uwi ko sa mansiyon ay nakita kong nagkaka gulo ang lahat kaya naman hinarang ko si Manang.

"Manang, bakit po nag kakagulo lahat?" Taka kong tanong. Tinignan naman ako ni manang.

"Nakita na nila sir Ainon at ma'am Aireen." Nagulat naman ako doon at medyo may kumirot sa dibdib ko.

"Kaya mag bihis ka na at tumulong samin." Wala akong nagawa kung hindi ang tumango. Tumungo ako sa kwarto namin at pabagsak nanumupo sa kama.

Bakit ko 'to nararamdaman? Yung pakiramdam na naaagawan? Mali 'to. Kailangan ko na sigurong itrato na amo na lang sina ma'am Aireen, sir Ainon at ang limang binata. Nandiyan na ang tunay na makakapag pasaya sa kanila. Tumayo na ko at mabilis na nag bihis at pumunta sa dining area.

Pag pasok ko ay sinalubong ako ng isang masayang pamilya. Dumiretso ako sa kung saan naroon sila manang at abala sila sa pag hahanda ng pagkain kaya tumulong ako.

Maya maya pa ay nag hain na at kita ko ang saya sa mukha nila ma'am Aireen at sir Ainon pati na rin ang lima. Sa wakas buo na rin sila, medyo naluluha luha ako pero pinipigilan ko ang mga ito.

Habang sila ay nakain ay puno sila ng kwentuhan na natapos lamang dahil kailangan na nilang mag pahinga. Tinawag naman ako ni ma'am Aireen kaya agad ako na lumapit.

"Pakihatid si Aislinn sa kwarto, please." Tatango na sana ako pero nagsalita si Aislinn.

"Mommy, pwede kayo na lang po? Namiss ko po kasi talaga kayo." Mahinhin at medyo nahihiya pang sabi ni Aislinn. Tumingin naman sakin si ma'am Aireen at tumango kaya yumuko ako at pumunta ulit sa kabilang gilid. Kita ko naman ang pag alalay kay Aislinn nila ma'am at sir. tumayo na rin ang lima at sumunod sa kapatid at magulang. Pero napansin ko ang paglingon sakin ni Aislinn at pag ngisi o namalik mata lang ako.

Hindi ko na iyon pinansin at tinulungan ang mga kasama ko na mag ayos ng lamesa at pag tapos ay sabay na kami ni manang na pumunta sa kwarto. Nag palit agad kami ng pang tulog at magkatabing humiga. Niyakap ko naman siya.

"Ano at parang malungkot ka, hija?" Tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Hindi po, sa katunayan masaya ako kasi buo na ang pamilya nina sir at ma'am. Ilang taon din po silang nangulila eh." Sabi ko at napabuntong hininga.

"Ang lalim naman ng buntong hininga na yan. Ikaw ay mag pahinga na at ipapasyal kita bukas. Wala rin naman kayong klase hindi ba?" Sabi ni manang kaya napa angat ako ng tingin sa kaniya at sunod sunod na tumango kaya natawa siya.

"Oh, siya. Matulog ka na para maaga tayo ay maraming mapuntahan." Pumikit naman ako at ilang sandali pa ay nakaramdam na ko ng antok. May binulong pa si manang na hindi ki na naintindihan dahil tuluyan na kong binalot ng dilim at nahulog sa himbing na pagkakatulog.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now