C H A P T E R 3

1.4K 67 0
                                    

Chapter 3

Panibagong araw panibagong pagsubok na naman ang haharapin ko sa Nakahara Lee University. 'Di bale matatapos din 'to, tiwala lang.

Pumasok na ko sa room at expected ko na may mahuhulog, at ito na nga basa na ko. Narinig ko na naman ang tawanan nila kaya sinara ko na lang pinto at tumalikod, pero nagulat ako nang makita ko ang mata nila Gail na nag-aapoy.

"Who the hell did that to you?" Pigil na galit si Gail. Masama 'to aish!

"Hayaan mo na, Gail. Ayos lang ako. Samahan niyo na lang ako magbihis, tara?" Nakangiti kong yaya pero mukhang hindi sila natinag, galit pa rin ang mga mukha nila. Bigla akong nilagpasan ni Gail at Lian.

"Who the hell did that to Abigail?!" Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni Gail. Natahimik naman ang buong room, sumilip ako at tinignan ang nangyayari. 'Yong mga mukha nila ang putla, mukha naman kasing halimaw na mangangain si Gail.

"Ako, bakit?" Lakas loob na sabi ni Marga.

"How dare you? You don't know kung sino ang kinakanti mo. Humanda ka." Nagbabantang sabi ni Lian at may dumaan na takot sa mata ni Marga pero saglit lang.

"Kung sino man siya wala akong pake. She's not that special tho, bakitba sa kaniya kayo nakikipagkaibigan?" Matapang na sabi ni Marga.

"Tignan lang natin kung hanggang saan yang tapang mo. Mas pipiliin na namin sa totoo kaysa sa pekeng katulad mo." Ngisi ni Gail at binuksan ang pinto kung nasaan ako. Hinila niya ko papunta sa CR kasama si Lian.

"May baon kang damit?" Tanong ni Lian.

"Oo naman, always ready to 'no. Sanayan lang din dapat 'di niyo na siya pinatulan." Natatawa kong sabi.

"Bakit kasi ang bait mo?. Magbihis ka na para 'di tayo malate. May bibigay kami sayo mamaya. Don't worry 'di ka nila magagalaw hangga't nandito kami." Nagtaas baba pa ang kilay ni Gail tapos nakangiti.

"Na excite naman ako dun." Sabi ko at tumawa bago pumasok sa CR at nagbihis. Paglabas ko ay nandun pa rin sila, agad naman nila kong hinila sa room kung nasaan kami kanina.

Buti wala pang teacher, tahimik nga nila eh. Mas maigi na yun. Ilang sandali pa ay pumasok na ang teacher at nagdiscuss.

——————

Recess na buti naman gutom na ko.

"Abi let's go." Excited na sabi ni Lian at hinila na kami ni Gail sa canteen.

Umupo kami sa usual spot namin, malapit sa glass wall na kung saan kita ang mga berdeng puno at halaman. May mga bulaklak din, alaga nila eh. Ako mismo ang pumili sa pwesto na 'to.

"So Abi, are you ready?" Excited na tanong ni Gail.

"I was born ready." Natawa kong sagot. Natawa din naman sila.

"Wait us here, 'kay?" Tumango lang ako at umalis na sila. Nilibang ko ang sarili ko sa tanawin. Mga ilang minuto siguro bago ulit sila nakabalik, may dala silang box na medium size. Nilapag nila nito sa harap ko.

"Ang laki naman niyan?" Nagtataka akong tumingin sa kanila.

"Liit pa nga nyan eh." Nakangiting sabi ni Lian. Natawa naman ako, iba talaga pag mayaman.

"Open it! Open it!" Excited na tili ni Gail.

Binuksan ko ang unang box at parang naging heart shape mata ko. Chocolaaates! They always spoil me with this when they went out of the country.

"Ang dami! Thank you!" Sabi ko at niyakap sila sa sobrang tuwa. Niyakap din nila ko pabalik.

"Open the second one." Excited na sabi ni Lian. Pati ako nae-excite.

As I open it, naluluha na ko. iPod with earphone in it.

"Yung iPod nakalagay na dyan lahat ng music na gusto mo, relaxing piano songs and such." Tinignan ko sila at nakangiti sila.

"Sobra-sobra naman 'to Gail at Lian" Naluluha ko pa ring sabi.

"Aw, our baby. It's okay it's all yours now." Sabi nila at niyakap nila ko at naluha na talaga ko.

We eat and catch up and go to our last subject and after that hinatid nila ko sa bahay.

"Bye Abi, bukas na lang ulit." Sabi Gail. Kumaway naman si Lian.

"Thank you ulit." Nakangiti kong sabi.

"Tama na ang thank you, okay na yun. Nandyan na si manong, pumasok ka na." Tumango at pumasok na, si manong ang nagdala ng box sa loob.

Nakangiti akong nakatulog nung gabing iyon. One of the happiest day of my life. Thankful din kasi may kaibigan akong katulad nila. Gumaan pakiramdam ko.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat