C H A P T E R 8

1.1K 61 1
                                    

Chapter 8

Kinabukasan, wala raw pasok may biglaang meeting daw. Kaya naglinis na lang ako sa malaking bahay na 'to. Grabe nakakapagod, bakit kaya 'pag mayaman laging malaki ang bahay? Jusko, malolosyang ako agad nito eh.

Habang naglalakad sa hallway ng lilinisan ko may nakita akong kwarto, agaw pansin kasi red ang pinto. Pinuntahan ko ito at hinawakan ang door knob at binuksan. Nilibot ko ang tingin ko at Red and White ang theme ng kwarto.

Inikot ko yung kwarto hanggang sa mapunta ako sa bed side table. May picture. Inangat ko yun at parang may kung anong kinurot sa puso ko ng makita 'yon. Anim na lalaki at isang babae na nasa gitna nila. Ito siguro 'yong anim na lalaki na nakita namin sa baba. Nakangiti pa sila dito at kita ang saya sa mata, pero kung titignan mo sila ngayon malaki ang pinagbago ng mga ito lalo na ang mga matang walang buhay.

"Anong ginagawa mo rito, hija?" Biglang tanong ng isang malaking boses kaya nagulat ako. Kaya tinignan ko kung sino 'yon. Isang may katandaang lalaki na kamukha nung limang lalaki. Tulad nila wala ring buhay ang mata.

"Sorry po, sir. Maglilinis lang naman po ko dito." Sabi ko at yumuko. Ikaw kasi Abi eh.

"It's okay, hindi na rin nalilinisan 'to eh. Busy kasi ang ma'am mo, gusto niya siya lang ang naglilinis nito." Sabi niya at nilibot ang mata niya sa kwarto at nang tignan ko ang mata niya ay malungkot, ganun din ang mga ngiti niya.

"Kanino ho bang kwarto 'to? Okay lang po kung ayaw niyong sagutin." Sabi ko at tinignan niya na ko.

"It's our daughter's room. Even though she's not with us, we filled this room with the things we think she needs. Mula ng mawala siya naging walang buhay ang bahay na 'to, even me, my wife and my sons." Mahabang litanya niya.

"Hinahanap niyo pa rin po ba siya?" Tanong ko.

"Oo, we never stop finding her. Because in our heart we feel na buhay pa siya at makikita namin siya." Naluluhang sabi ng matanda, nagulat na lang ako sa biglang galaw ng katawan ko dahil bigla ko siyang niyakap ramdam ko ang gulat niya.

"Magiging ayos din po lahat, malay niyo po nandyan lang siya, hinihintay kayo." Sabi ko at hinagod likod niya. Naramdaman kong niyakap din niya ko.

"Salamat, hija." Sabi niya. Humiwalay ako at nakaramdam ng hiya.

"Pasensya na ho, ayoko lang po kasing may nakikitang malungkot. Nalulungkot din po kasi ako." Nahihiyang sabi ko at yumuko.

"It's okay. Parehas kayo ng anak kong babae, if she find someone that is sad gagawin niya lahat mapangiti lang ang malungkot na tao na yun. Thank you, hija." Sabi niya. Tinignan ko siya at nakita ang ngiti sa kaniya kaya napangiti na rin ako.

"Sige po alis na po ako ah? Maglilinis pa po ko eh." Paalam ko at kinuha ang walis at dustpan bago tinungo ako pintuan.

"Sige hija. Pag hinanap ako ng asawa ko sabihin mo na narito ako." Pakiusap niya.

"Sige ho. 'Wag po kayong mag-alala makikita niyo rin po siya. Fighting!" Nakangiti kong sabi.

"Sana nga, hija. Sana nga." Tumango ako at diniretso ng labas. Paglabas ng pinto ay napabuntong hininga na lang ako.

Where did that guts came from? Nakakahiya ka, Abi. Para hindi ko na maisip ang ginawa ko naglinis na lamang ako ng mansyon buong maghapon kaloka ang laki, pati 'yong pool sa bakura ang laki rin. Magkakaroon din ako ng ganitong bahay. Fighting!

Gabi na nung matapos ako at tinulungan ko sina ate Cristina at Aling Belen sa paghahanda ng pagkain.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now