C H A P T E R 15

1K 52 2
                                    

Chapter 15

Ito na ang araw na hinihintay ko. Ang makalaya este makaalis sa hospital na yon. Sana hindi na ko bumalik ulit d'yan. Jusko.

"Let's go?" Sabi ni Gail at hinila ako papasok ng sasakyan.

Nag-agawan pa sila kanina kung kanino ako sasasakay. Parang mga bata. Dahil alam kong hindi magpapatalo si Gail at Lian kaya ako na ang nagkusa na sumama kanila Gail. Kaysa mag-ingay ang mga ito.

"Hay salamat makakauwi na rin." Sabi ko.

"Kaya nga. Are you sure you're okay now?" Alalang tanong ni Lian.

"Yup. Wag na kayo masyadong mag worry, okay na okay na talaga ko." Nakangiti kong sabi to give them assurance.

"Tell us kung may nararamdaman kang iba okay?" Tumango naman ako agad. Sa buong biyahe ay kwentuhan lang ang ginawa namin hanggang sa makarating sa mansyon nila ma'am Airene.

"Kita kits na lang bukas ha?" Sabi ni Gail.

"Okay. Ingat kayo." Sabi ko at kumaway sa kanila.

"Ingat ka rin." At umalis na sila. Tinignan ko lang ang sasakyan nila hanggang sa mawala ito.

Hindi ko man lang napansin sq gilid si Aling Belen. Natauhan na lang ako ng hawakan niya ko.

"Abi, tara na. Para makapagpahinga ka ng maaga." Nakangiting sabi ni Aling Belen sa isang malumanay na boses. Parang kilala ko ang boses na 'yon

"Sige ho." Sabi ko at winala ang kung anong nasa isip ko. Pumasok kami sa loob na naroon na rin gamit namin.

"Mahiga ka na riyan at magluluto lang akong makakain." Tumango naman ako at ngumiti.

"Hay boring pa rin." Sabi ko kaya tumayo ako at nangalikot ng mga bagay bagay sa dito sa kwarto.

Hanggang sa makatarungan ako sa library at tumingin ng mga libro. mahilig siguro sa libro ang mga  anak na lalaki nila sir at ma'am. Grabe ang laki ng library parang bahay na namin ni Aling Belen.

Pero isang libro ang nakaagaw ng pansin ko tinignan ko ito, nausog ang libro at nagulat ako ng gumilid ang bookshelf at may parang lagusan doon.

Pumasok ako at bigla naman sumara ang bookshelf. Madilim. Kinapa ko naman ang pader kung may switch at luckily meron. And it lead a way to straight pathway. Nilakad ko iyon ng nilabas at pinagmasdan ng maiigi parang secret room siya, maalikabok pero makikita mo ang ganda pa rin ng kwarto. Parang matagal ng hindi napupuntahan ito at ginawang tambakan ng gamit kasi ang daming nababalutan ng kulay puting tela. Nang tignan ko ang nasa pinaka sentro ng lugar ay paluha ako.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now