C H A P T E R 12

1.1K 53 1
                                    

Chapter 12

Pagmulat ng mga mata ko puti agad ang nakita ko at ang nakakasilaw na liwanag na mula sa ilaw. Ginalaw ko ang kamay ko at ulo. Binaling ko ang tingin ko sa mga taong nakatayo sa gilid ko.

"Abigail? Thank god you're awake!" Rinig kong sabi ni Gail.

"Call the doctor Aidam." Utos ni Lian.

Tinignan ko lang silang lahat. 'Yong mga mukha nila puno ng pag-aalala 'yong iba naman ay parang nakahinga ng maluwag dahil gising na ko.

"Tubig." Mahina kong sabi at buti narinig ni Gail at agad kumuha ng tubig at binigay sakin. Agad ko namang ininom ang tubig at binigay ang wala ng laman na baso kay Gail.

"How are you feeling, Abi? Are you fine?" Sunod-sunod na tanong ni Gail.

"I'm fine. Anong nangyari?" Tanong ko buti at 'di na masyadong malat boses ko.

"May nagbuhos sayo ng malansang bagay kaya ka nandito." May halong galit na sabi ni Lian.

Agad naman akong napatingin sa mga braso ko. Shit! Puro pantal pa rin pero pawala na rin 'yon.

"Ilang oras na kong tulog?" Natawa naman sila sa tanong ko.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko.

"It's not hours, it's days. 5 days ka lang naman tulog." Nagulat naman ako sa sinabi ni Lian.

"What?! Paano yung mga lessons? Quizzes?" Kabadong tanong ko. Ayoko bumagsak kasi scholar lang ako.

"Don't worry, Aidam handled that already. Kaya chill ka lang, okay?" Sabi ni Gail ng nakangiti.

"Si sir Aidam?" Takang tanong ko.

"Yep. They want you to rest, so rest." Sabi ni Gail.

"They?" Takang tanong ko ko kay Gail.

"Yep, the Nakahara Lee family. You don't know? Sa kanila na kayo nagwo-work diba?" Sabi ni Lian na nagpamaang sakin.

Sila ang may-ari ng school? Geez. Nag kwento pa naman ko kay ma'am Airene about dun sa binubully ako. Patay ako kay Marga nito. Mas titino ang galit sa'kin nun pag nalamang nag sumbong ako, sa may-ari pa ng school. Naku, mag dadasal talaga ko ng bongga!

"Oh? Bakit ganyan mukha mo?" Tanong ni Lian. Umiling lang ako.

Humiga ulit ako at pumikit. Di ko matake lahat jusko. Can someone please enlighten me? Habang nag-iisip ng mga bagay bagay ay hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako. Na sana ay hindi na lang nangyari dahil isang bangungot ang dumalaw at hindi nakapag pagalaw sa'king katawan. Hindi rin ako maka sigaw.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें